The Eighteenth Chapter

32.8K 669 16
                                    


Maagang gumising si Bethany para paliguan ang anak at pakainin at habang ginagawa niya ito ay napatigil siya sandali at napatingin sa television. Dahil commercial ito ni cohan sa pabango na Axe,  napangiti siya dahil ibang iba ito.

"Tatlong taon lang ang lumipas di ko akalaing ganito ang mangyayari" sabay haplos niya sa leeg niya kung saan may makikitang itim na kagat ni cohan sa kanya noon,  kaya sa tuwing nakikita ito ni mira ay nag aalala ito dahil kinagat daw siya nang bampira kaya natatawa nalang siya. 

Ang gwapo naman kasing bampira ang gumagat sa leeg niya.

"Papa i mist him" biglang natigilan si Bethany sa narinig niya at napatingin sa anak niya na nakatingin sa tv at tinignan siya,  ngumiti ito sa kanya.

"Baby? Did mama hear it right?" Tumango tango ang bata at tinuro ang tv.

"Papa wit purfum mama" biglang napangiti si Bethany dahil di niya aakalaing nagsasalita ito, ang maiintindihan niya

"Wow you cook? Ang sarap naman" sabay opo nito at kumain kaya napangiti siya at nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Oh beth I'll be away for about a month" napatingin siya sa kaibigan

"Bakit?  Saan ka pupunta? " bigla naman itong nag pout

"Yung prof kasi namin,  sa cebu gagawin yung charity namin kaya wala kaming magawa.  Saka nag donate din kasi si mommy at daddy at kailangan ako ang mag bigay nun" napangiti naman si Bethany

"Okay lang saka wag mo kaming aalalahanin ni thea" nagpout ulit ito saka binigyan siya nang card pero hindi niya ito tinanggap

"Nako naman drixity di namin kailangan nang pera saka diba?  Kaka grocery mo lang kahapon?  At higit sa lahat hindi yun maoobus sa isang buwan" walang magawa si drixity at kumain nalang ito.  Habang si Bethany ay kumain na rin,

Nang matapos sila ay parang ayaw pang umalis ni drixity

"Ano ka ba okay lang talaga kami dito,  wag ka ngang mag alala"  pilit ngumiti ni drixity saka niya hinalikan ang bata.

"Thea be good to mommy okay? " ngumiti naman ang bata at tumango na parang naiintindihan siya. 

"Sige na" mahinang tulak niya dito dahil naghihintay ang bus nang school nito

"Ingat ka dito ha? "Pahabol nito sa kanya kaya tumango siya habang kumakaway. Hindi siya pumasok hanggang hindi ito makaalis at nang makaalis na ay nawala ang ngiti ni Bethany saka napahinga nang malalim at tinignan ang anak niya.

"Maghahanap buhay tayo beh" sabi niya at pumasok na sa loob.  Naghanap siya nang mga papel na hindi magagamit ni drixity gaya nang mga napag iwanan nitong bond paper at color paper at kung ano ano pa,  pinabayaan niya muna si thea na naglalaro sa gilid niya saka na niya nagsimulang gumawa nang mga recycle na mga pang display,  gaya nang vase at yung sa cardboard na bahay na pweding mabuksan ang pintuan at bintana,  maganda ito kasing ganda nang pinag iisip niya bago niya ito gawin.  Dahil likhang ma recycled na tao si Bethany ay ito ang naisip niya para ibenta.  Kung sa baga forth folio niya,  gumagawa siya nang bahay gamit ang mga cardboard at linagyan niya nang design.  Mahigit anim na oras na gumagawa si Bethany habang anak niya ay nakatulog na nakadapa habang nakatingin ito kanina sa ginagawa niya pero ngayun ay nakapikit na.  Nang makita niya ang ginawa niya ay napangiti siya at napatingin din sa anak niyang natutulog kaya hinaplos haplos niya ang buhok nito. 

"Pasensya ka na anak,  kailangan ko na talagang mag ipon kailangan mo na kasing mag aral sa susunod na taon" buntong hininga niya. Saka na nilagyan na nang acetate ang mga ito pang cover niya.  Hanggang sa makagawa siya nang walong bahay na iba't ibang style at kulay at design na akalain mong gawa nang isang architect.

The billionaire sweet escape (18+)Where stories live. Discover now