The Fifty-Three Chapter

23.9K 426 16
                                    


Phinnaeus Point of View

It been months since she's gone,  nakakapanibago!  Wala akong makitang anghel sa mga mata ko.

"Angel really? " bigla akong napakunot noo nang may babaeng umupo sa tapat ko.

"Wow!  Ang haba nang buhok mo akala ko nga babae ka kaya kita linapitan kasi pag sa gilid ka tignan para kang babaeng sobrang ganda alam mo ba yun? " tinignan ko siya nang masama at hindi pinansin.

"Ayaw mong maniwala ang ganda kaya nang buhok mo,  pina- rebound mo ba yan? " di ko pa rin siya pinansin.

"Napapansin ko lahat nang tao dito kilala ka,  saka yung pangalan nang hospital parang yung sa cartoon sa disney channel si phinnaeus yung magaling at matalinong lalaki na magaling mag experiment kasama yung kapatid niyang si ferb saka may ate siyang si cindy"

"Don't talk to me" inis na iniwanan ko siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ang lambot din nang kamay mo" inis na tinulak ko siya.

"Pwede ba wag kang mag hawak nang di mo kilala" bigla naman siyang ngumiti.

"Ah ganun ba? Doctor ka diba? Dapat mabait ka? " di ko na siya pinansin nang bigla nanaman niyang hinigit ang lab gown ko kaya napaharap ako sa kanya at nagulat nalang ako nang bigla niyang hinigit ang silya sa gilid saka siya tumungtong dito at hinigit ang leeg ko saka ako hinalikan sa labi kaya nagulat ako sa ginawa niya.

"Hehehe" yan lang ang narinig ko sa kanya nang lumayo na siya saka siya kumaripas nang takbo.

"BWESIT" inis na pinunasan ko ang labi ko saka ako tumakbo sa comfort room at babasain na sana ang labi ko nang tubig nang may mapansin ako sa noo.  Napatingin ako sa salamin saka dahan dahan na kinuha ang nakadikit sa noo kong sticky note.

"Best kiss ever Pogi,  Dapat masaya ka kasi ikaw ang first kiss ko"

Bigla akong nainis at pinagkumpol kumpol yung papel dahil sa inis ko.

"Pervert" galit na sabi ko nang may nurse na lalaking naghahabol ang hiningang nakatingin sakin.

"Doc hinahanap po kayo nang kapatid niyo" napatango ako sa kanya.

"Nasa office niyo po siya"

"Thank you" sagot ko nalang saka naman siya umalis kaya nagmamadali akong pumunta sa office ko. Nang pumasok ako ay nakita ko si kuya cohan na naka upo,  kaya huminga ako nang malalim saka agad umupo sa harap niya pero nagtaka ako bakit siya nakangiti,  nakikita kong masaya siya, 

"Kuya? " takang tanong ko at masaya siyang nakatingin sakin.

"Bakit? Bakit nakangiti ka?" Pagtatakang tanong ko at napa-ayos ako nang upo sa upuan ko, 

"May nangyari ba? " tumango siya sakin.

"Nahanap ko na si Bethany" dahil sa sinabi niya napatayo ako.

"Huh? Talaga? Kailan? Nasaan siya ngayun? " masayang tanong ko kaya napangiti siya saka tumayo at tinapik ang balikat ko.

"Tara" saka niya ako hinigit kaya nagpahigit nalang ako saka kami pumunta sa emergency area saka kami humarap sa transparent glass at nakita ko si Bethany na nakahiga maraming galos ang katawan saka nakita ko rin si mommy na nasa tabi ni Bethany.

"Pano kuya?" Takang tanong ko at ngumiti naman siya.

"Diba sabi ko naman sa inyo hindi ako susuko? Hindi sumuko sakin si Bethany noon kaya hindi rin ako sumuko sa kanya,  at saka bilang tulong din sa tumulong sa kanya,  nagpatayo ako nang mga bahay sa bayan na yun para sa mga mamayan doon na walang maayos na bahay,  nagbigay rin ako nang mga puhunan nila at higit sa lahat mga gamit nang bata,  sabi ni mommy magbibigay din daw sila nang donation at pupunta tayo doon para magbigay nang tulong sa may sakit at tayong dalawa ang magiging doctor,  this is our medical mission" napatingin ako kay kuya.

The billionaire sweet escape (18+)Where stories live. Discover now