The Seventy-Seventh Chapter

19.9K 383 2
                                    


Kakatapos lang ng kasal nila mama at papa ay hito ako akay akay ang anak kong si blaze na kanina pa nilalawayan ang sout kong dress pero okay lang,  that's life being a mother,  si Mira naman at si Thea ay kasama ni Cohan.

Tinignan ko ang mag ama ko na kanina pa nagtatawanan,  kahit pa may kausap siya ay binabatayan niya ito ng maayos kahit pa medyo disappointed siya dahil hindi ako buntis,  basta bigla nalang akong dinugo, 

naglalaba ako nang mga damit ni cohan nun dahil medyo maarte si cohan,  ayaw niyang may ibang gumagalaw ng mga damit o gamit niya,  gusto niya ako ang naglalaba at hindi yung mga katulong,  basta gusto niya ako lang ang makakahawak ng damit niya,  medyo mid twenties pa kasi ang mga katulong namin,  anak kasi ito ng mga nag aalaga kay Mira at Thea noon, 

at natatakot siya baka daw kung anong gawin o baka daw pag pantasyahan kaya ako naglalaba nun,  special for him at sympre gusto ko rin naman yun dahil kahit pawisin si cohan ang bango bango pa rin ng damit niya kaya na a- attract ako sa kanya, 

inaamoy ko nga siya hanggang sa nakakatulog ako,  mga time na yun dinuguan ako saka ako bumalik kay doctora and she confirm i got miscarriage at hindi ko yun sinabi kay Cohan baka lalo kang siyang malungkot.  Sympre umiyak ako ng malaman ko yun dahil hindi ako nag iingat, pinag sabihan na rin kasi ako ng ob ko na baka daw masilan akong magbuntis dahil sa last pregnancy ko kay Blaze. 

Kaya binigyan niya ako ng mga vitamins ni doctora at yun ang iniinom ko para daw sa susunod kong pag bubuntis ay safe na,  pero sympre gusto ko munang mag pahinga sa pag bubuntis aalagaan ko muna ang mga anak ko,  yun ang priority ko lalo na't may baby damulag din akong aalagan walang iba kundi ang asawa ko.

Iniyakan ko ang pagka wala ng unborn baby ko pero wala akong magagawa kung hindi siya ibinigay sakin ng diyos,

Habang nasa tabi ko si mama at papa ay kinalabit ako ni mama kaya napatingin ako sa kanya.

"Anak may sasabihin si mama sayo" napangiti naman ako pero nakikita ko kung paano manginig si mama kaya nagtataka ako.

"Ano po yun ma? " ngumiti siya at si papa ay ngumiti rin.

"Matagal na namin tong tinatago sayo" napatango ako.

"Ano po yun" hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Kilala mo ba yung kapitan ng brgy noon anak? Kung saan tayo tumira?" tumango ako.

"Yung si Manuel Wun po?" Nagkatinginan sila mama at papa.

"Anak" napalingon kaming pareho ng makita ko ang Matandang naka tayo sa harap namin na may sungkod na,  nalaman kong namatay na ang asawa niya.

Napatingin ako kay mama.

"Bakit niyo po siya inimbita?" Takang tanong ko ng hawakan ni mama ang kamay ko.

"Bethany anak lolo mo siya,  siya ang ama ko" dahil sa sinabi ni mama halos hindi ko makapaniwala.

Kung lolo ko siya,  bakit niya kami trinatrato ng ganun noon na parang basura kung magkadugo lang pala kami.

"Gracia anak" napatayo si mama at papa saka agad niyakap ni mama yung si manuel wun.

"Sorry sa mga nagawa ko anak,  matanda na ako kaya sana patawarin mo ako,  patawad sa mga nagawa ko sayo noon,  pasensya na anak" nag iyakan silang dalawa kaya napatayo ako habang hawak hawak ang anak ko ng maige.

Lumayo siya kay mama habang si mama sininok na sa kakaiyak saka ito lumapit kay papa at si papa naman ang niyakap.

"Ben patawarin mo ako,  patawad" nag iyakan sila hanggang sa tumingin ito sakin.

The billionaire sweet escape (18+)Where stories live. Discover now