The Ninth Chapter

33.9K 654 19
                                    


Nakatulog na ang bata pero si Bethany ay walang magawa, nalinis na niya yata lahat pero naiinip talaga siya, nang may mapansin siyang isang box sa ilalim nang kama kaya yumuko siya at umupo sa sahig saka yun hinigit papalapit sa kanya, napatingin muna siya sa paligid saka dahan dahan niyang tinanggal ang takip doon at bumungad sa kanya ang mga litrato at isang camera at isang maliit na box at higit sa lahat ang mga sobreng iba't ibang kulay. Kumuha siya nang isang sobre na kulay pula at tinignan ito

"Open this when your lonely babe" basa niya sa sobre, ibinalik niya ito dahil alam niyang galing ito sa girlfriend ni cohan.

"Totoo pala talagang sulat lang ang pwede mong ibigay pag nag sundalo ang isang tao" bulong niya dito, marami itong sulat at may bote ring maliit na may lamang maliit na papel na iba't ibang kulay.

"Ang effort nang girlfriend niya" bulong niya saka niya ito binalik saka niya kinuha ang camera, trinay niyang pinindot ang on nang gumana ito, kaya pumunta siya sa gallery saka siya napapikit sa nakita niya at agad yung pinatay at napahawak siya sa dibdib niya.

"Woah di ko alam ang wild nila, diba sila natatakot na baka may makakakita nito? Gaya ko?" Inis niyang sabi at ibinalik ang camera

"Pero private to kasalanan ko pa rin" bulong niya ulit, nakita niya kasi ay isang video sex nang mag syota kaya alam niyang personal yun, mga litrato o video na alaala nilang dalawang mag syota.

Kinuha niya ang maliit na box saka niya ito bunuksan saka bumungad sa kanya ang isang singsing na may isang diamond.

"Ang ganda" sabay haplos niya dito.

"Ang swerte niya talaga" sabay kagat labi ni Bethany

"Mayaman na may magandang memories pa masaklap lang wala na siya" saka niya ito ibinalik at inayos saka ibinalik sa ilalim at napasandal nalang siya kama

"Mahirap kalabanin ang patay na" bulong niya saka siya tumingin sa bata

"At higit sa lahat mahirap talagang kalimutan ang isang tao pag may iniwan siyang alaala o isang bagay na nagpapaala-ala sa reslasyon" buntong hininga niyang sabi. Napatingin siya sa boung kwarto at sa bedside table may pictures frame doon nila cohan at zina.

"Mahirap na! Aasa pa ba ako? " sabay yuko niya.

Isa lang naman kasi ang dahilan niya kaya siya pumayag dahil gusto niyang tulungan ito, basi kasi sa kinukwento nang kapatid nitong si Drixity may insomnia daw ang kuya niya at hindi ito nakakatulog dahil sa kakaisip sa namayapa nitong girlfriend, kaya kahit sa ganitong paraan gusto niyang tulungan ito. Dahil ito ang sabi ni drixity sa kanya, kung gusto daw niyang makabawi sa tulong na ibinigay nito, isa lang naman ang pwede niyang gawin ang tulungan ang kapatid na bumalik sa dati nitong pag uugali, dahil yun lang daw ang hiling nang ama at ina nito,

Maraming beses na silang tinulungan nang pamilyang fugo lalo na sa mga magulang nito. Kaya naisip ni Bethany kahit sa ganitong paraan ito ang pambayad niya.

"Pero ang hirap" mahina niyang sabi at di namalayang tumulo ang luha niya.

"Nakakainis yung one sided love tapos patay pa ang kalaban mo, saan ko naman yun kukunin? Sinubukan ko namang hindi siya gustuhin. Crush lang naman yun nung una eh, nung nakita ko siya nung unang beses doon paman alam ko namang may girlfriend siya eh! Kasi nakita ko pa nga yung babae, pero di ko alam, bumulong lang ako nong mga panahon na yun, tinawag ko lang ang pangalan niya sa isipan ko nung araw na yun at di ko naman alam na tinupad nang diyos yung hiling ko at dumating siya at iniligtas ako, pero hindi ko alam na kasalanan ko kung bakit nawala ang girlfriend niya," umiiyak niyang sabi habang nakatingin sa litrato nito

"Pinapangako ko hindi na lalalim pa ang crush na crush na yan ang bata ko pa para problimahin ang pesteng pag ibig na ito, mali lang ito. Mali itong nararamdaman ko dahil alam kong may babagay sakin, nasa tabi tabi lang siya alam ko, hindi si cohan ang para sakin" bulong niya sa huling salitang sinabi niya.

The billionaire sweet escape (18+)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant