Chapter 2

24.1K 647 48
                                    

NAGSTAY muna ng ilang araw sa Manila ang parents ni JB bago ang mga ito bumalik sa Mindanao. At ang akala niya ay hindi siya minamataan ng ina noong araw ng kasal nina Alex at Axel.

"Son, ayaw ko ang babaeng yun na makakapit sayo." Pagbubukas ng ina sa usapan na ipinagtaka niya. "Mum, sinong babae?" Taka nitong tanong.

"Yung babae sa kasal ng mga pinsan mo." Deretsang sagot nito. "Ah! She is not my girl." Anito sa ina.

"Make sure. Dahil hindi ko gusto ang aura niya. I don't feel her a good girl for you." Anang ginang na kinailing ni JB. Ang ina talaga niya ay malakas ang pakiramdam.

"No worries Mum. Wala pa akong planong magseryoso ng babae. At kung magseseryoso na ako ay sayo ko unang ipapakilala." Paglalambing nito sa ina. "Wag mo ako madaan-daan sa paglalambing mong yan dahil hindi uubra yan sa akin." Nagdudumilat nitong aniya kay JB na natawa.

"Dad, tingnan mo si Mommy oh!" Sumbong nito sa ama na napailing lang. "Kuya, hindi nga bakit hindi mo atah pinatos yung girl. What's wrong with her?" Curious namang tanong ng kapatid ni JB.

"Aeron Sawyer, baka gusto mong ibalik kita sa tiyan ko." Biglang sabi ng ginang sa kapatid ni JB. "I'm just curious, Mum." Giit nito sa ina.

"She is just a girl. Nothing more special about her." Sagot nito sa kapatid. "Really?" Hindi kumbensedo ang kapatid niya sa naging sagot niya.

"Aeron, tigilan mo ang kapatid mo. At siguraduhin mo lang na totoo yang sinasabi mo JB. Kundi malilintikan ka talaga sa akin." Anang kanyang ina na kinangiti niya.

"Look. Mum, tinutulungan ko lang yung tao. Dahil nagkautang ako sa kanya. Nabangga ko kasi siya minsan dahil sa pagmamadali ko at nasira ko ang mga gamit niya." Paliwanag nito sa ina.

"Kung ganun ay bayaran mo ang mga nasira niyang gamit." Utos sa kanya ng ina. "Mum hindi ganun yun e." Katweran agad nito.

"Ganyan kayong mga lalaki e. Pinapahaba niyo ang isang senaryo. Samantalang meron naman easy stip para masulusyonan ito." Ang naiiling na anang ginang.

"Sam, hayaan muna ang anak mo. Malaki na siya at alam na niya ang ginagawa niya." Anang kanilang ama sa kanilang ina. "Isa ka pa Fred, baka gusto mong malintikan din sa akin." Pananakot ng ginang sa kanyang asawa.

"Sabi ko nga." Ang natatawang anang ginoo na kinatawa rin ng magkapatid. Kaya pinagbabato ang mga ito ng ginang nang trow pillow. "Mag-aama nga kayo." Saad niya sa mga ito.

DAHIL nakapagpasya na si Hannah ay agad niyang hinanda ang sarili. Ang mga gamit niya ay niligpit niya agad ang mga ito.

"It's time para humingi ng tulong." Kausap nito ang sarili. Agad na meron siyang inilagay sa mga mata niya upang maluha siya. Ng  tumulo na ang luha niya ay agad niyang kinuha ang tawagan.

"Hello. JB, I'm sorry. Hindi ko kasi alam kung kanino ako tatakbo ngayon. Nalate na kasi ako ng pagbayad sa condo na tinutuluyan ko kaya pinapalayas na ako ng may-ari." Anito sa nasa kabilang linya.

"Okay! Calm down. Iligpit mo ang mga gamit mo at susunduin kita dyan. Sabihin mo lang kung saan banda ang address niyo." Saad niya dito. Agad namang ibinigay ni Hannah ang address ng niya sa mga ito.

Matapus niyang makipag-usap kay JB ay dali-dali niyang dinala ang mga gamit niya sa labas. Hindi na rin siya nagsuklay pa ng buhok. Hinayaan niyang magulo ang hitsura niya upang kapani-paniwala ang drama niya.

Ilang minuto rin siyang naghintay ng dumating si JB. Kaya umakto na naman siyang nasasaktan dahil sa pagpapalayas sa kanya sa tinutuluyan niyang condo.

"Pasensya kana talaga. Naabala pa kita, hindi ko kasi alam kung sino ang tatawagan ko." Anito kay JB habang nasa daan sila at hindi alam kung saan siya nito dadalhin.

Because You Loved Me(Completed)Where stories live. Discover now