Chapter 9

19.5K 622 85
                                    

LUMIPAS ang mga araw ng pananatili ni Joan sa hacienda nila JB. Sa mga araw na dumaan ay laging ipinaparamdam sa kanya ng binata ang bagay na gustong iparamdam sa kanya ng isang lalaki. Subrang protective ito pagdating sa kanya. Kaya lihim siyang humahanga dito. Marami siyang nakita dito na hindi alam ng iba.

"Gago, sino naman itong bago mong chicks?" Tanong ng kausap ni JB sa tawagan. Alam niyang hindi lang nag-iisa ang nakikinig sa kabilang linya kaya napailing na lang siya. "Saan niyo naman nakuha ang idea na meron akong bagong chicks?" Taka niyang tanong.

"Masyado ka kasing busy sa bago mong chicks kaya wala ka nang time tumingin sa social media. Nagkalat ang mukha mo ngayon na meron kasamang babae. Hindi nga lang kita ang mukha niya kaya curious kaming malaman kung sino itong bago mong chicks." Paliwanag ng nasa kabilang linya. Dahil sa tinuran ng mga ito ay dali-dali siyang lumapit kay Joan.

"Hey! Nagbukas ka ba ng FB?" Tanong nito kay Joan na agad naman umiling. "Hoy! Gago, saan makikita yang sinasabi mo?" Tanong niya sa kausap. Agad naman sinabi nito sa kanya. Kaya pinabuksan niya kay Joan ang FB account nito at pinahanap niya ang page na nagpost ng mukha niya.

"Oh! My God. That was you and me." Naibulalas ni Joan. "At ano ang sabi, bagong fling girlfriend ni JB Samonte. Eh! Kung sapatosin ko kaya ang nagpost niyan." Naiinis nitong aniya.

"Hey! Calm down. Don't worry, ako ang bahala." Anito sa dalaga. "JB naman e. Bakit kasi ang dami niyong stalker." Nakanguso nitong aniya sa binata.

"Dahil gwapo kami." Anitong kinaismid ni Joan. Ang nasa kabilang linya naman ay sinang ayunan nila ang tinuran ni JB. "Masyadong mahangin." Anito.

"Hey! Hernandez, alam muna kung paano yan mawawala. Ibibigay ko yung gusto mo." Saad nito sa kausap. "Sure my man. Ako na ang bahala." Tila nanalo naman sa luto si Jeb na kausap ni JB dahil sa narinig nito. Napailing na lang si JB ng patayan siya nito agad ng tawagan.

"What?" Natatawa nitong tanong kay Joan na nakasimangot. "Pasalamat ka at hindi nakikita ang mukha ko doon sa post. Kundi hindi talaga kita kakausapin." Nakapuot nitong turan sa binata.

"Sinasabi ko na kasi sayong payagan muna akong ligawan ka. Para next time ako mismo ang magpost ng picture natin." Anito sabay kindat sa dalaga.

"Pag-iisipan ko muna. At saka itatanong ko muna kay tita kung pwede ka ba mainlove sa akin. Baka kasi bigla akong batuhin ng mommy mo ng kaldero" Sagot nitong seryoso ang mukha. Pero ang totoo ay natatawa siya. Hindi kasi niya alam kung saan niya napulot ang idea na baka batuhin siya ng ina ni JB ng kaldero.

"So, kapag ba pumayag si Mommy ay hahayaan mo akong ligawan ka?" Paniniguro nito sa dalaga. "Oo, kapag pumayag si tita." Sagot nito.

"Oy! Saan ka pupunta?" Bigla niyang tanong sa binata ng tumayo ito. "Kay Mommy. Tatanongin ko siya kung pwede ba akong mainlove sayo." Sagot nitong kinalaki ng mata ni Joan. Ang akala kasi niya ay hindi ito seryoso sa sinasabi nitong liligawan siya. At mukhang seryoso nga ito.

"Baliw ka ba, nakakahiya sa mommy mo." Di makapaniwalang anito sa binata. "No I'm not. Pero kung yun lang ang dahilan para pumayag ka ay tatanungin ko ang Mommy ko." Anito sa dalaga.

"Oy! Joke lang yun. Wag mong sasabihin yan sa mommy mo. Uuwi talaga ako ng Maynila ng wala sa oras." Saad niya dito. "Look. I'm serious. Never ko pang sinabi sa isang babae na liligawan ko siya. Sayo ko pa lang sinasabi. Dahil I mean it. I really want you to be my girlfriend. Yung maipagmalaki ko sa kanilang girlfriend kita. Yung may karapatan akong ipagdamot ka sa iba dahil girlfriend kita." Seryoso nitong aniya sa dalaga habang nakamata siya dito.

"I'm sorry. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sayo o isasagot. Alam mo namang hindi ako nagpapaligaw noon pa. Kaya, really I don't have a idea tungkol sa isang manliligaw." Pagtatapat nito.

Because You Loved Me(Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora