Chapter 18

18.6K 571 27
                                    

DUMAAN ang mga buwan na akala ni Hannah ay magiging maayos na ang buhay at trabaho niya sa London. Nabalitaan na rin nito mula sa ina ang nangyari sa naging ex.fiance ng pinsan niyang si Gemalyn. At wala man lang itong ginawa pero tila naging fairy tale ang buhay niya dahil sa naging boyfriend nitong business billionaire.

Gaya ng nakaugalian ni Hannah ay pumasok na naman ito sa trabaho at alam niyang tambak naman ang trabahong naghihintay sa kanila.

Pagpasok pa lang niya sa bungad ng kumpanya nila ay agad na niyang nakita ang mga katrabaho niyang nagbubulungan. Kunot noo naman niyang nilampasan ang mga ito.

"Miss Zamora. The CEO want you to come to her office now." Imporma sa kanya ng CEO's secretary. "Okay! Thanks." Agad niyang inilapag ang mga dalagang gamit sa mesa niya bago siya tumuloy sa opisina ng CEO.

Bahagya niyang kinatok ang pinto bago siya tumuloy sa loob nito. "Have a sit." Utos nito sa kanya na agad naman sinunod ni Hannah.

"Bakit niyo po ako ipinatawag, madame?" Tanong nito sa CEO ng kumpanya nila.

"Dahil kailangan na kitang ibalik ng Pilipinas." Deretsang sagot nito sa kanya. "Pero, madame bakit niyo po ako ibabalik doon? Inaayos ko naman ang trabaho ko dito." Nagtataka nitong tanong.

"Dahil ayaw kung magkaroon ng skandalo sa pag-aari kung kumpanya. Alam kung may kinakasama kang lalaki miss Zamora. Pero naitanong mo ba sa kanya kung saan siya nakatira at anong trabaho niya?" Anang CEO nila sa kanya. Agad naman siyang napayuko dahil hindi nga pala niya alam kung saan nagtratrabaho si Conor.

"Alam mo bang ikakasal na ang taong yun. At meron anak. The came here to warn my company na kapag hindi kita pinauwi ay manggugulo sila. Manggugulo dito ang pamilya ng girlfriend ni Conor. Kaya kailangan kitang pabalikin ng Pilipinas. Dahil maraming tao ang madadamay Hannah. Marami ang umaasa ng trabaho dito. At nabansagang organizer ang kumpanya ko ng kasal pero nagtratrabaho lang pala sa akin ang dahilan ng pagkasira ng isang relasyon. Kaya please Hannah. Ayusin mo ang mga gamit mo at ibabalik agad kita ng Pilipinas." Pranka ngunit malumanay na pagkakasabi ng boss ni Hannah sa kanya. Hindi naman siya nakapagsalita sa narinig kaya tumango na lang siya.

Maya't maya ay huminga siya ng malalim. "Sige po, thank you for everything." Anito bago siya tumayo at lumabas ng opisina ng boss niya.

"Fine. Sa Pilipinas na lang ako maghahanap ng trabaho. Baka matulungan ako ng pinsan kung makapasok sa kumpanya ng boyfriend niya. Or babalikan ko si JB. Magmamakaawa ulit ako sa kanya." Anito sa isip.

Habang inaayos ni Hannah ang mga gamit niya ay pinagtitinginan siya ng mga kasama niyang panay bulungan ng mga ito. Pero hindi niya pinansin ang mga ito. Matapus niyang iligpit ang mga gamit niya ay agad rin siyang umalis kung saan siya nagtratrabaho.

Pagdating ni Hannah sa tiutuluyan niya ay agad niyang hinanap ang number ni JB na nasa kanya. Naisip niyang kailangan niya ng matutuluyan dahil ayaw niyang umuwi sa bahay nila.

Makailang ring lang din ito ng may sumagot sa kabilang linya. "Yes! Who is this?" Boses babae ang sumagot sa kanya.

"Excuse me. Who are you?" Mataray din niyang tanong sa kabilang linya. "Babe, sino ang tumatawag?" Rinig ni Hannah. Hindi siya nagkakamaling si JB ang nagsalita.

"Ewan ko. Babae e." Sagot naman ng boses babaeng sumagot ng tawagan ni JB. "Hey! Kung sino ka man ay pwede pakibigay kay JB dahil gusto ko siyang makausap." Ani Hannah sa kabilang linya.

Samantala nasa likod ng bahay niya sina JB at Joan ng tumunog ang tawagan niya. Kaya agad itong sinagot ni Joan. Biglang napaarko ang kilay niya ng marinig ang boses babae sa kabilang linya.
"Mister, gusto ka daw makausap." Anito sa nobyo. Kaya agad itong iniloudspeak ni JB.

Because You Loved Me(Completed)Where stories live. Discover now