Chapter 6

21.8K 659 71
                                    

HINDI maipaliwanag ni JB nararamdaman niya ng lumingon ang babaeng kasama ng mga tao nilang nagtanim ng palay sa taniman nila ng palayan. Parang napako na dito ang kanyang mga mata.

"Kuya, anong nangyari sayo?" Untag sa kanya ng kapatid niyang si Aeron. "H-huh?" Gulat itong napalingon sa kapatid niya sabay tingin niya ulit sa babaeng nakita. Akala niya ay namamalit mata lang siya pero hindi. Dahil totoo ang nakikita niya.

"Geez." Naiiling na lang si Aeron na nilampasan niya kuya niya.

"Oh! Meron pala kayong magandang kasama dito." Ang nakangiting anang ina nila JB na kararating lang din. Sumama kasi ito sa kanilang maghatid ng pananghalian ng mga taohan nila.

"Naligaw daw po siya ate. Kaya nandito po siya. At nagpaturo na rin sa amin kung paano magtanim ng palay." Paliwanag ng nakakabata sa mga ito.

"Pasensya na po kayo kung trespasing po ako dito. Pupunta po kasi sana kami ng mga kasama ko ng Manolo Fortich dahil gusto daw nilang masubukan ang zipline ride. Kaso naligaw po kami. At ayun nagbabangayan po sila at nagsisisihan kaya iniwanan ko po sila at hanggang sa dito na nga po ako nakarating. Nawili po kasi akong tingnan ang nadadaanan kung mga pinyahan. At ng makita ko naman sila ay nacurious ako kung paano magtanim ng palay kaya nagpaturo po ako sa kanila." Paliwanag agad niya sa kaharap na ginang. At sa tingin niya ay mula ulo hanggang paa mo ay sinusuri niya.

"Aw! It's good at dito ka napadpad iha. Ng magkaroon naman kami ng magandang bisita," nakangiting anito na kinahinga naman nito ng maluwag. "Anong pangalan mo nga pala iha?" Anang ginang sa kanya na nakangiti na.

"I'm Joan Ramos po. Laking Maynila po." Pakilala nito. "I like you iha." Prankang anang ginang.

"Thank you po." Napangiti na lang si Joan sa tinuran sa kanya ng ginang. "By the way you can call me tita Sam." Anito. Makikita mo sa ginang ang taglay nitong ganda na kahit may edad na ito ay mukhang nanatili paring maganda.

"JB kunin mo ang dalang gamit ni Joan at dalhin mo sa sasakyan." Utos nito kay JB. "Iha, tawagan mo ang mga kasama mong nandito ka. Ng hindi sila mag-alala sayo." Utos nito kay Joan na agad naman tumalima.

Matapus masiguro ng ginang na ready na ang pananghalian ng mga taohan nila ay agad rin siyang nagpaalam sa mga ito. "Oh! Siya, kailangan na namin bumalik sa bahay. Hindi pa kasi nananghalian ang kuya Fred niyo. Sinamahan ko muna kasi ang dalawang ito na ihatid ang niluto kung pananghalian niyo. Alam niyo naman ang dalawang ito na pambabae lang ang alam." Ang iiling-iling na anang ginang na kinatawa ng mga ito maging si Joan ay natawa ng lihim.

"Mum, good boy kaya ako. Itong si kuya lang ang babaero dito e." Ang nakasimangot na ani Aeron. "Wag kang manlaglag dahil ikaw babaero sa atin." Depensa naman ni JB sa sarili.

"Kailan pa kuya. Hindi pa pumuputi ang uwak. Wag mo ako idamay dahil loyal ako sa girlfriend ko. Ikaw lang ang f*ckboy sa ating dalawa." Giit naman ni Aeron.

"Aeron Sawyer, kailan ka pa nagkagirlfriend?" Kunot noo namang singit ng kanilang ina sa bangayan nilang magkapatid. "Mum, syota niya ang anak ni tito Brent." Pambubuko dito ni JB na nginisihan lang ni Aeron.

"Not bad son." At mukhang natuwa pa ang ginang sa narinig. "At ikaw JB akala mo diko alam ang pinaggagawa mo. Ibabalik talaga kita sa tiyan ko at hilingin na maging babae kana lang." Saad ng ginang kay JB.

"Mum, that bad. Ayaw niyo ba sa gwapo kung ito." Tila proud nitong aniya sa ina na gwapo siya. Napailing na lang ang ginang na binalingan niya ang nakikinig na si Joan.

"Pasensya kana sa dalawang ito iha. Daig pa nila ang mga bata, sakit sila sa ulo minsan." Anito kay Joan na napangiti lang. Hindi siya makatingin ng tuwid sa mga ito dahil naiilang siya lalo pa at panay tingin sa kanya ni JB.

Because You Loved Me(Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz