Chapter 10

20.9K 556 47
                                    

GAYA ng sabi ni JB ay bago magdapit hapon ay nakabalik na siya ng bahay nila. Agad nitong hinanap ang dalaga. Ng malaman niyang nasa silid niya si Joan ay agad niya itong pinuntahan ang dalaga.

"Tok tok tok"

Bahagya niyang kinatok ang pinto bago niya ito binuksan. Ng makita naman siya ni Joan ay agad niya itong sinimangutan.

"Saan ka galing?" Tanong nito sa binata na napakamot ng ulo ngunit nakangiti. "Why you miss me?" Pilyo naman nitong tanong sa dalaga.

"Sagotin mo ang tanong ko." Giit nito sa binata. "Um. Sagotin mo rin ang tanong ko, you miss me?" Pag-uulit nito ng tanong sa dalaga.

"Ewan ko sayo, lumayas ka na nga lang." Sabay turo niya ng pintong nakasara. "Wag mo ako tawanan. Baka mahambalos kita ng dos por dos." Pagbabanta nito sa binata. Ngunit tila hindi naman ito umubra sa binata.

Agad na nilapitan ni JB ang dalaga at hinapit niya sa baywang gamit ang isa niyang kamay. Ang isa naman niyang kamay ay hinawi nito ang ilang hiblang buhok ng dalaga na tumabing sa mukha niya.

"A-anong nangyari sa kamay mo?" Ang paggagalit-galitan ng dalaga sa binata ay nauwi sa pag-aalala ng makita nito ang kamay nitong maraming pasa. Kaya maging ang kamay ni JB na nakapulupot sa baywang ni Joan ay tiningnan niya ito. "Anong kabaliwan ang ginawa mo at maraming pasa ang mga kamay mo?" Tanong nito ulit sa binata.

"Hoy! Sagotin mo ako. Ginamot muna ba ang mga ito?" Tanong na naman nito sa binatang nakamata lang sa kanya. At dahil hindi ito sumasagot ay naiiling siyang tumayo at kinuha niya ang first aid kit sa loob ng silid na ginagamit niya.

Ang binata naman ay natahimik ito sa nakita niyang pag-aalala ni Joan. Never pa niyang naramdaman sa buhay niyang may nag-aalala sa kanya ng gaya ng pag-aalala ng dalaga sa kanya maliban sa kanyang ina.

Ng makuha ni Joan ang first aid kit ay agad niyang pinaupo ang binata. Maingat niyang ginamot ang maliliit na sugat sa dalawang kamay ni JB. At dahil medyo mahapdi ang mga ito ay napapangiwi ang binata tuwing sumasagi ang bulak na nilagyan niya ng betadine sa kamay niyang meron maliliit na sugat. Kaya tuwing ilalapit ni Joan ang bulak sa kamay ng binata na meron sugat ay hinihihipan niya ito.

"Ano ba kasi ang ginawa mo at nangyari ito sa mga kamay mo?" Muli na naman nitong tanong sa binata. "May ginawa lang akong surpresa." Anito ng bumukas ang mga labi niya.

"Tsk! Aanhin mo ang surprise na yan kung ikakapahamak muna naman." Sita nito sa binata. "Hey! It's okay. I'm really fine. Kaya please calm down." Saad naman nito sa dalaga. Pero umiling lang ito.

"Sorry na. Pagbigyan muna ako. Don't worry next time ay mag-iingat na ako, please." Anito. "Babe." Tawag nito sa dalaga ng hindi ito umimik.

"Tigilan mo ako sa kaka-babe. Dahil nagpapahalata kang babaero. Siguro yan din tinatawag mo sa mga fling girlfriend mo." Anitong kinatawa ni JB. Kaya mabilis diniinan ni Joan ang hawak na bulak sa kamay niyang kinangiwi ng binata.

"Wala akong tinawag sa kanila ng special na edearment. Ikaw lang ang tinatawag kung babe." Giit nito. Pero mukhang hindi naniwala sa kanya ito. "Sige wag na lang babe." Maya ay anito sa dalaga.

Napataas naman ang kilay ni Joan ng biglang nanahimik ang binata. Hanggang sa natapus siyang gamotin ang sugat nito ay wala parin itong imik.

"Hoy! Anong nangyari sayo at natahimik ka?" Untag dito ng dalaga. "May iniisip lang ako." Sagot nitong kinaarko ng kilay ni Joan. Kaya agad niya itong hinila dahilan para maupo ito sa kandungan niya ang dalaga. "I'm not thinking of someone else. If someone in my head now that one is you." Seryoso nitong aniya habang nakatingin siya sa mga mata ni Joan.

Because You Loved Me(Completed)Where stories live. Discover now