Chapter 27

31.6K 745 59
                                    

DUMAAN ang mga taon na nanatiling matatag ang pagsasama nila JB at Joan. Minsan ay meron man tampuhang nangyayari ngunit hindi naman nila ito hinahayaang lumala kaya agad rin  nilang inaayos na mag-asawa.

"Ouch!"

"Honey, okay lang." Tanong ng isang ale sa batang nakabangga sa kanya. Nagmamadali ito kaya hindi siya nito napansin agad. "Opo. Sorry po." Sagot naman nito.

"Bakit ka ba tumatakbo?" Malumanay na tanong naman dito ng ale. "Eh! Kasi po nagtatampo ako kay, Mommy." Sagot naman nitong nakapuot.

"Ahah! Bakit ka naman nagtatampo sa mommy mo?" Curious namang tanong dito ng ginang.

"Eh! kasi po, meron akong toys na nakita sa loob ng mall. Tapos po ayaw bilhin ni Mommy kasi po sabi niya bago pa ang mga toys ko. Pero gustong gusto ko po talaga yung toys." Malungkot nitong pagkwekwento. Napangiti naman ang ale sa tinuran ng batang kausap.

"Um. Yun naman pala kaya ayaw bilhin yung ng mommy mo kasi meron ka pang new toys. Alam mo dapat kung anong meron tayo ay dapat natin iyon pahalagaan. Dahil hindi lahat ng mga bata ay nakakabili ng gusto nila sa buhay. Nakikita mo ang mga batang langsangan na yan. Kung hindi sila mamalimos ay wala silang kakainin. At madalas tira-tira at binasura ng iba ang kinakain nila. Kaya tayo kung anong kayang ibigay ng magulang natin sa atin ay dapat natin iyon ingatan at pahalagaan." Anang ale dito.

"Wala po ba sila Mommy at Daddy ang mga yan?" Inosente nitong tanong sabay turo nito sa mga batang langsangan.

"Um. Meron naman yung iba sa kanila. Pero gaya nila nasa langsangan rin at namumulot ng basura upang meron maipantawid gutom." Sagot nito.

"Ganun po ba. Sige hindi na ako magpapabili kay Mommy ng toys. Magpapabili na lang ako ng food para ibigay dyan ng hindi na po sila kakain ng basura." Anitong kinangiti ng kausap niyang ale.

"Heather." Agad naman napalingon ang dalawa. "Mommy. Mommy. Sorry na po. Di na po ako bibili ng toys. Pero pwede po ba ako bumili ng food. Para po ibigay dyan sa mga batang langsangan ng hindi na po sila kakain ng basura." Agad na napangiti si Joan sa tinuran ng anak niya. Kanina pa nila ito hinahanap ng bigla itong tumakbo. Nagtampo ito sa kanya kaya bigla na lang tumakbo. At sa tinuran ng anak niya ay saka siya nakahinga ng maluwag. Nag-alala kasi siya dito ng subra.

"Ate. Heather." Si Lina na hiningal. "Tita Lina. Tita Dalia. Sorry po." Sabay peace sign sa kanila ni Heather na kinatawa ng dalawa.

"Sige magpasama ka sa mga tita mo sa loob ng makabili kayo ng food. Ito ang pera." Agad na binigyan ni Joan ang mga ito ng pera na kinapakpak naman ni Heather.

"Hannah."

Tawag ni Joan sa taong kanina ay kausap ng anak niya ng makita niya itong aalis na. Alanganin naman itong lumingon.

"Wag kang mag-alala dahil wala akong planong kidnapin ang anak mo. Nagkataon lang na nabangga niya ako kanina habang tumatakbo siya." Deretsahan naman nitong paliwanag kay Joan na na natawa.

"Alam kung hindi muna uulitin ang ginawa mong kabaliwanan noon." Ani Joan sabay lapit niya dito. "Kumusta kana?" Tanong niys dito ng tuluyan siyang makalapit kay Hannah.

"Ito, ayos lang kahit papaano." Sagot nitong tila nahihiya kay Joan. "Hindi mo ba binisita ang parents mo?" Tanong niya dito at umiling naman ito sabay hinga niya ng malalim.

"After ng ginawa ko ay wala na akong mukhang ihaharap sa kanila. Nahihiya akong makita nila." Sagot nito. Ramdam naman ito ni Joan.

"Kahit na anong pagkakamali natin ay alam kung hindi tayo kayang tikisin ng magulang natin. Dahil lahat naman tayo ay nagkakamali. Ang mahalaga ay natoto tayo sa pagkakamali natin. Na alam na natin ang kaibahan ng mali sa tama." Saad dito ni Joan.

Because You Loved Me(Completed)Where stories live. Discover now