Chapter 11

19.3K 695 55
                                    

AFTER ng naging dinner date nila JB at Joan ay lagi niyang hinihintay na marinig sa binata na mahal siya nito. Yun lang ang gusto niyang marinig sa binata at sasagutin niya ito. Dahil umamin nga itong he fall in love with her but he never said the words I love you.

"Ang bigat ng binti mo." Nakapuot nitong sita sa binata. Nasa likod sila ng mansyon nila JB kung saan ang swimming pool. Nakahiga sa upoang nandoon ang dalaga dahil nagpapaaraw ito ng lapitan siya ng binata at tumabi ito sa kinahihigaan niya.

"Ang liit mo kasi." Nangingiti lang nitong sagot sabay tagilid nito ng higa at ipinulupot niya dito ang isang kamay habang nakatanday sa dalaga ang isa niyang binti. "Hindi ko kasalanan kung naging maliit ako." Bwelta nito sa binata.

"At ang maliit na 'to diba gusto mo rin naman." Paismid pa nitong turan sa binata na napangiti. "He is crazy in love with you." Sagot naman nito.

"Alam mo hindi ka lang baliw, praning pa." Nagdudumilat nitong aniya sa binata. "Gusto mo rin naman." Ganti dito ng binata na nakangiti.

"Asa ka pa mister." Naiiling nitong aniya pero sa loob niya ay natatawa. "Ouch. That bad, honey." Kunwari naman ay nasaktan ang binata sa narinig.

"At napapansin ko panay rin ang honey mo. Nagmumukhang bubuyog na tuloy ako niyan." Saad pa nitong kinakamot ni JB ng ulo. "Sabi mo kasi ayaw mo ng babe dahil nagpapahalata akong babaero." Anitong kinangiti ni Joan.

"Ano ka ba, sinusubukan lang kita." Anitong kinangiti ng binata ng pilyo. "Ahah. Di ibalik ang babe ng hindi tayo magmukhang pukyutan." Anang binata na kinakunot ng noo ni Joan. "Ang bubuyog ay pukyutan ang tawag nila dito." Dagdag paliwanag nito ng mapansin niyang nagtaka ang dalaga. Napatango naman ito sa narinig.

"Babe."

"Um?"

"I really like you." Anito sa bandang punong tainga ng dalaga. "Thank you." Tanging sagot ni Joan. Dahil hindi yun ang gusto niyang marinig sa binata.

"And I really want you to be my girlfriend. Because......I really love you." Saad pa nitong bahagyang kinatigil nang pag-ikot ng mundo ni Joan. Akala niya ay hindi na niya iyon maririnig sa binata pero ito ang linaw ng pagkakasabi nito sa kanya. Kaya hindi agad siya nakaimik.

"J-JB." Tanging nanulas sa labi niya. "Yes! Babe, yun ang totoo. Hindi lang kita gusto kundi mahal kita. Pero alam kung baka iniisip mong pinagluluko lang kita. Dahil alam kung playboy ang pagkakakilala mo sa akin. Pero wala pa akong niligawan ni isa sa kanilang lahat kundi ikaw pa lang. Dahil ikaw lang ang pinaka especial sa kanilang lahat. Ikaw lang ang may kakayahang patibukin ng hindi normal ang puso ko." Seryoso nitong aniya sa dalaga.

"Mahal din kita." Pabulong na ani Joan sa tainga ng binata na biglang natigilan at natahimik. Akala ni JB ay dinadaya lang siya ng pandinig niya kaya unti-unti niyang tiningnan ang mukha ng lihim na natatawang si Joan. Dahil kung natigilan siya kanina ay subra pa sa kanya ang binata. Daig pa nito ang natuklaw ng ahas.

"C-can you say it again babe." Utos nito sa dalaga. "Sabi ko, ang gwapo mo." Anang dalaga na kinalaglag ng balikat ni JB. "Pero mukhang may pagkabingi nga lang. But it's okay I still love you." Dagdag nito sa tinuran. Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa mga labi ng binata.

"Y-you love me too?" Paniniguro nito sa dalaga na agad tumango. "Yeeessss. Yes. Yes. She love me too." Bigla itong nagsisigaw sa saya sabay tayo nito at may pasuntok-suntok pa siyang ginawa sa ere. Kaya agad itong pinigilan ng dalaga.

"Oh! God. Babe, hindi mo lang alam kung gaano mo ako ngayon pinasaya." Anito sa dalaga sabay yakap niya dito ng mahigpit. "I love you, babe very much." Saad pa nito.

Because You Loved Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon