Chapter 21

19.3K 626 57
                                    

First of all.....gusto ko lang batiin ng HAPPY HAPPY BIRTHDAY ang nag-iisang si Joan Rosete Ramos. Happy born day wafa....thank you for being one of my good friends. Kasamang praning for short. I wish you more birthday to come and always have a good health. Stay the way you are. I love you and tsup tsup pwet😂. Sana kahit malayo man tayong lahat ay mananatili ang friendship nating mga green minded at praning. Enjoy your day wafa and God Bless you always.
.
.
.
.
NAGISING si Joan na ang mukha ng nobyo na nakatunghay sa kanya ang namulatan niya. Agad siyang nginitian nito sabay haplos niya sa mukha ng dalaga.

"Good morning, babe." Anitong nagpangiti sa nobya kahit pumipikit pa ang mga mata nito tanda na hindi pa ito nahihimasmasan. Halatang inaantok pa ito. "M-morning too, mister." Anito sa mahinang boses.

"Anong gusto mong kainin?" Maya ay tanong nito sa nobya. "Um. Kahit na ano basta ikaw ang nagluto." Sagot naman nito.

"Okay. Igagawa kita ng breakfast. Pero kailangan mong bumangon ngayon. Hindi daw maganda sa buntis ang hindi nabibinat ang mga buto." Anito sabay alis niya ng kumot sa nobya.

Tinatamad man ang dalaga ay wala itong nagawa kundi ang bumangon. At gaya ng mga araw na nagdaan ay binuhat siya ni JB at dinala siya nito sa kanilang garden.

"Lina. Samahan niyo ang ate niyo dito. Igagawa ko lang siya ng breakfast." Utos niya sa mga itong agad naman tumalima. Kaya habang naglalakad sa garden si Joan ay kasama nito si Lina at Dalia.

Ganun ang daily routine ni Joan. Paggising niya sa umaga ay dinadala agad siya ni JB sa labas ng bahay nila para masinagan ng araw at sa pamamagitan ng paglalakad niya ay maexercise ito. Ayaw ni JB na mahirapan ito sa panganganak kaya kung ano ang nababasa niya tungkol sa nagbubuntis ay sinusubukan niya itong gawin.

Hindi rin naman nagtagal ng matapus gumawa ng breakfast ni Joan ang binata ay agad niya itong inilagay sa isang tray bago niya dinala sa kanilang garden. Agad niya itong inilapag sa mesang naroon.

Nang makalapit si Joan sa mesa ay maingat itong inalalayan ni JB. At dahil nandoon na ang binata ay saka naman pumasok sa loob ng bahay sina Lina at Dalia.

Agad kinuha ni Joan ang ginawang strawberry juice ni JB at ininom niya ito agad. "Hubby, ano 'to?" Sabay turo niya ng kulay green na tila souce.

"Avocado souce." Sagot nito sabay kuha niya ng toast at nilagyan niya ng avocado souce. "Try mo babe." Dahil nacurious naman ang dalaga kung ano ang lasa nito ay agad niya itong tinikman.

"Uhmm. I like the taste hubby." Napangiti naman ang binata at nagustuhan ito ng nobya. Sinubukan kasi itong igawa ni JB last day ng egg omlet ay hindi nagustuhan ng nobya. Kaya everyday ay sinusubukan ni JB na igawa niya ito ng makakain niya at masustansya sa kalusugan nila ng baby.

Matapus mag-almusal ni Joan kasama ng nobyo ay muli niya itong inalalayan makatayo. Agad niya itong dinala muli sa kwarto nila para maligo. At hindi ito hinahayaan ni JB na mapag-isang pumasok ng banyo kung naliligo. Natatakot kasi ang binata na baka madulas ito. Kaya kahit mahirap ay ginagawa niya ang lahat para protektahan ang mag-ina niya.

Matapus itong tulungan ni JB maligo ay agad niya itong pinasuot ng bathrobe. Bago niya inalalayang makalabas ng banyo.

"Hubby, ako na ang gagawa please. Magpahinga ka muna. Kaya ko na ito at isa pa nakikita mo naman ako. Hindi ako mapapahamak dito sa loob ng room natin." Pigil nito sa nobyo. Mataman lang siyang tiningnan nito. Kaya agad itong binigyan ni Joan ng mabilisang halik sa labi. Napailing naman ang binata na hinayaan niya ang nobya sa gusto.

Habang nagbibihis si Joan ay nakamata lang sa kanya ang nobyo at tuwing mapapatingin dito ang dalaga ay nangingiti siya sa napakaseryoso niyang nobyo.

Because You Loved Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon