Chapter 25

18.5K 585 31
                                    

LUMIPAS ang buwan hanggang sa sumapit ang araw na pinakahihintay ni JB ang araw ng kasal nila ng nobya. Garden wedding ang napili niya. At makikita mo ang buong paligid ay napapalamutian ng white orchids. Ang mga mesa ay nakacover ito ng kulay puting tila at nilagyan ng kulay pink sa gitna na parang rebbon kung saan meron mga flower vase sa center ng mesa at nilagyan ito ng white orchids.

Ang buong venue ay white orchids ang ginawang motif nito. Maging ang invitation card ay orchids rin ang nakadisenyo dito.

"Ladies and gentlemen please be ready, the bride is coming." Iporma ng wedding organizer sa kanila. Kaya agad naman pomwesto ang mga ito.

Hindi nga nagtagal ay nagplay ang wedding song kasabay nito ang pagmartsa ng piling mga ninong at ninang nila. Sinundan ito ng second sponsor ng ikakasal.

Matapus ang pagmartsa ng mga piling sponsors ng ikakasal ay sinundan naman ito bride march kasama ang magulang nito.

Ng bumungad kay JB ang mukha ng nobya ay halos hindi na siya kumurap pa. Tatlong araw din niya itong hindi nakasama. At sa tatlong araw na yun sa kanya ay tila parusa dahil nangulila siya dito ng subra. Ngunit tiniis niya dahil alam niyang after ng kasal nila ng nobya ay never na itong mapapalayo pa sa kanya.

Habang naglalakad si Joan kasama ang magulang niya ay nasa nobyo lang ang kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwalang ikakasal na siya sa mahal niya. Hindi kasi niya alam na palihim palang inaayos ni JB ang kasal nila. Ngayon niya narealized na kaya pala minsan nagtatanong sa kanya ang nobyo ng mga bagay na gusto niya. At sa nakikita niya ay masasabi niyang everything is perfect. Ang paligid ay halos mapuno ito ng favorite flower niyang orchids.

At ang taong naghihintay ngayon sa kanya sa harap ng altar ay ang lalaking namimiss niya ng subra. Sa araw na hindi niya ito nakasama ay parang taon ang dumaan na wala ito sa tabi niya.

****flashbacks****

MATAPUS maligo ni Joan kasama ang nobyo ay agad itong nagpaalam sa kanyang may aasikasuhin lang itong trabaho sa opisina. Kaya naman naiwan sa bahay si Joan. Ngunit bigla itong nagulat ng makarinig siya ng katok mula sa labas ng kwarto nila ng nobyo. At sa pag-aakalang ang mga kasama nila sa bahay ang kumakatok ay sinabihan niya na lang itong tumuloy dahil tinatamad siyang bumangon.

"Hello, sexy pregy." Anang nagbukas ng pinto. "Huor. Mirah" Agad naman siyang napaupo ng tuwid sa kama ng tuloy-tuloy na pumasok si Huor at Mirah.

"Come on, meron tayong gagawin ngayong araw." Ani Huor sa kanya at panabay siyang tinulungan ng dalawang makababa ng kama. "Anong gagawin natin?" Taka nitong tanong.

"Basta malalaman mo." Sagot lang sa kanya ni Mirah. Ng marating nila ang sala ay bigla nag-isang linya ang kilay niya sa nakikita. "What is going on?" Muli na naman nitong tanong.

Sa halip na sagotin siya ng dalawa ay agad siyang pinaupo ng mga ito. At ang sumunod na pangyayari ay napanganga na lang si Joan. Dinaig pa kasi ng bahay nila ang isang beauty salon.

Dahil sa ginawa ng mga ito kay Joan ay nag-enjoy naman siya. Pakiramdam niya ay narelax ang katawan niya at isip. Ngunit kinagabihan ay nagtaka siya dahil hindi niya nakita ang nobyo na dumating ng bahay nila. Kaya agad niya itong tinawagan.

"Hey! Jo, it's me Jeb. Hihiramin muna namin itong si Mr. F*ckboy sayo. Isasauli namin siya sayo after three days." Ani Jeb agad sa kanya ni hindi siya nito hinintay na makapagsalita.

"After three days. What exactly is happening?" Anito sabay buga niya ng hangin.

Sa sumunod na mga araw nga ay hindi parin nakikita ni Joan ang nobyo. Mukhang totoo ngang hindi niya makikita ang binata sa loob ng tatlong araw.

Because You Loved Me(Completed)Where stories live. Discover now