Chapter 13

19.8K 586 39
                                    

NANG magising si Hannah ay halos hindi niya maigalaw ang katawan niya. Kaya maingat siyang nag-inat ng mga kamay. Nahimasmasan siya agad ng umungol bahagya ang nasa tabi niya at agad itong pumulupot sa baywang niya.

"Conor, wake up." Panggigising niya dito. "Hmmp." Bahagya lang itong umungol.

"Conor, ano ba. Wake up. Ang phone mo nagriring." Anito sabay tapik niya sa balikat ni Conor. Tila nahimasmasan naman ito at dali-daling bumangon. "Sagotin mo. Mauna na akong maliligo sayo." Nakangiti nitong aniya bago siya umalis sa kama at agad na pumasok sa loob ng banyo.

Nang makita naman ni Conor na pumasok na sa loob ng banyo si Hannah ay dali-dali niya itong pinakiramdaman sa labas ng banyo. Nang marinig niya ang lagaslas ng tubig ay dali-dali niyang kinuha ang tawagan at nagcall back siya sa tumatawag.

"Hello. Baby, I'm sorry. I got drunk with my friends---

---that's it. You never forget to hung out with your friends. But you forgot that you have a pregnant girlfriend waiting for you." Putol ng nasa kabilang linya sa sasabihin sana ni Conor.

"I'm going home now, okay. So, please don't be mad. I love you." Anito bago niya pinatay ang tawagan. Dali-daling nagbihis si Conor matapos niya makipag-usap sa tawagan.

"Hannah. I need to go. I have a emergency." Anito sabay bukas niya bahagya ng pintoan ng banyo. "Okay. Call me later." Tanging sagot dito ni Hannah.

"Sure. You too, take care." Hindi na hinintay pa ni Conor na magsalita si Hannah dahil agad niyang isinara muli ang pinto ng banyo.

SAMANTALA gaya ng habilin ni Aslea Dennisse kay JB ay kinahaponan nga sila bumalik ng nobya sa Manila. Madilim na habang binabaybay nila ang daan patungo sa bahay ng binata. At nararamdaman ni JB na may kabaliwan na namang naghihintay sa kanilang ginawa ang mga kaibigan niya.

"Kaninong mga bahay ang mga ito?" Tanong ni Joan kay JB habang nakasilip siya sa bintana ng taxi na sinasakyan nila. "Bahay ng mga kaibigan ko." Tipid nitong sagot. Napatango naman ang dalaga.

Nang huminto ang taxi sa tapat ng isang malaking gate ay agad bumaba si JB at inalalayan niyang makababa rin ang nobya.

Agad na inabutan ni JB ng pera ang driver ng taxi matapos nilang makuha ang dala nilang mga gamit.

"Good evening sir, ma'am. Ako na po ang magdadala ng mga gamit niyo." Presinta ng care taker ng bahay ni JB mula ng maipatayo niya ito. "Kumusta po kayo?" Tanong agad dito ni JB.

"Ayos lang po, sir." Sagot lang nito sa binata sabay abot niya ng dalang bag ng dalawa. "Nasa likod nga po pala silang lahat ng bahay, sir." Imporma nito sa kanila.

"Sige. Babe, siya nga pala si mang Andres. Ang care taker nitong bahay kasama niya ang asawa niyang si manang Nora. Kaya sila ang makakasama natin dito. Meron silang dalawang anak. mang Andres, ang girlfriend ko nga po pala si Joan." Pakilala niya sa dalawa.

"Magandang gabi po sa inyo, mang Andres." Magalang namang bati dito ni Joan. "Magandang gabi rin sayo, ma'am." Sagot rin naman nito sa kanya.

"Kuya JB." Halos panabay na tawag ng dalawang bata sa binata. "Hey! Kumusta kayong dalawa?" Tanong niya agad sa mga ito.

"Ayos lang po kuya JB." Sagot ng isa sa kanya. "Kuya JB, binilhan kami ni ate AD ng mga laroan." Bibo namang pagbabalita ng nakakabata sa dalawa.

"Wow! Talaga." Maging si JB ay natuwa sa narinig. Ang mag-anak ni mang Andres ay nakita lang sila noon ni JB na natutulog sa ilalim ng tulay at namumulot ang mga ito ng basura. Kaya dinala niya ang mga ito sa bahay niya. Pinagawan niya ang mga ito ng maliit na bahay sa loob ng compound kung saan nakatayo ang pag-aari niyang bahay. Ginawa niyang care taker ng bahay niya mga mag-asawa at ng meron tumitingin sa pananim niya sa palibot ng bahay.

Because You Loved Me(Completed)Where stories live. Discover now