Chapter 16

20.2K 586 26
                                    

MULA ng meron mangyari kina JB at Joan ay kung pwede lang na hindi na niya hayaang umuwi pa ang nobya sa bahay ng magulang nito ay ginawa na niya. Pero dahil hindi pa niya nahihingi sa magulang ni Joan ang kamay ng nobya ay kaya wala siyang magawa. At dahil narin sa wala pa siyang matibay na pinanghahawakan para manatili kasama niya ang dalaga.

"Good morning kuya, igagawa po ba namin kayo ng breakfast?" Si Lina na nakasalubong ni JB pagbaba niya mula sa kwarto niya.

"Um. Sa bahay ako ng isa sa mga kaibigan ko dito sa loob ng subdivision kakain ng almusal." Sagot nito bago siya lumabas ng bahay. Agad siyang lumabas ng subdivision at pumunta sa bakery na lagi niyang pinupuntahan para bumili ng pandisal.

Pagkabili ni JB ng pandisal ay muli siyang bumalik sa loob ng subdivision nila at nagtungo agad siya sa bahay ng isa sa mga kaibigan niyang si Andrie Dela Rosa. At dahil kilala na siya ng mga security guard na nandoon ay kaya agad siyang pinapasok ng mga ito.

"Tito. Tito Simon. Tito Ryeo. Good morning po." Nasa bungad pa lang ng pinto si JB ay rinig na niya ang boses ni Christine na binabati nito sina Simon at Ryeo. "Tito JB ano po dala mo?" Inosente nitong tanong ng makita siya nito.

"Pandisal baby." Sagot naman niya kay Christine. Agad inabot ni JB ang dala niya kay Simon bago niya binuhat si Christine. "Bakit ang aga mong nagising?" Tanong ni JB dito habang buhat-buhat niya si Christine.

"Kasi po itong mata ko gumising tapos dina po pumikit ulit." Sagot nitong kinatawa ni JB. "Pero tito, meron ako pakita sa inyo." Pilya nitong sabi kaya nagkatinginan sina JB, Simon at Ryeo.

"Ano yun little Princess?" Curious namang tanong ng mga ito. Maging sina Jace, Soren at Calex ay nakiusyuso rin sa kanila. Agad namang ipinakita ni Christine sa kanila ang cellphone ng daddy niya. Ng makita nila ito ay napangisi silang lahat.

"Ipost mo sa Instagram account niya bro." Utos ni Simon kay JB na siyang humawak sa cellphone ni Andrie habang kandong nito si Christine. Agad naman itong sinunod ni JB.

"When the little Princess love selfie. #family #love #tenten"

Basa nila sa inilagay ni JB na caption ng picture kung saan katabi nito si Andrie at Gemalyn na natutulog. Hindi na muna nila ipost ang picture na magtabi si Andrie at Gemalyn. Dahil takot lang silang turukan ni Gemalyn ng anesthesia.

Matapus nilang maipost ito sa Instagram ay saka pumunta sa kusina ang mga binata na kasama si Christine. Agad naghanda ang mga ito ng breakfast nila.

"Tito JB, tino po 'to?" Tanong ni Christine habang nakaupo ito at naghahanda ng breakfast ang mga tito niya. Agad naman tiningnan ni JB ang tinuro ni Christine. Nakita pala nito ang picture sa cellphone niya dahil iyon naman ang hinawakan nito.

"Yan ang tita Joan mo." Sagot nito. "Hala tawag tiya tito." Anito. At ang naging reaction ni Christine ay hindi iyon nakaligtas sa camera ni Ryeo. At ang cute ng pagkakakuha nito.

"Sagotin mo." Utos dito ni JB. Agad naman iyon sinunod ni Christine. "Ellow po." Sagot nito sa tumatawag.

"Hey! Sino 'to?" Malambing namang tanong ng nasa kabilang linya. "Ako po ti Christine. Tito ko po ti tito JB. Ikaw po ti tita Joan?" Bibo nitong aniya sa kausap.

"Hmmm. Ako nga baby. Sinong mommy at daddy mo?" Nakangiti namang tanong dito ni Joan.

"Si daddy ko po ti Andrie Dela Rosa. Taput ti mommy ko po ti mommy Emalyn." Sagot nito. "Babe, si Gemalyn Marquez ang tinutukoy ni baby ten-ten na mommy niya." Paliwanag dito ni JB.

"Hubby, si Gemalyn na OB doctor ba?" Paniniguro nito. "Yup. Siya nga, babe." Pagkumperma nito.

"My goodness. Maraming ikwekwento sa akin ang babaeng iyon. Dahil alam ko hate niya si Andrie noon. Alam mo ba babe, pinakita ko ang magazine sa kanya na si Andrie ang cover. Tapus ang sabi niya. I don't like that man. He look like a bastard bilionaire. Naku! Naku! Makukurot ko talaga siya sa singit." Ani Joan na kinailing ni JB.

Because You Loved Me(Completed)Where stories live. Discover now