Chapter 23

18.8K 618 33
                                    

DAHIL sa tinuran ni Gemalyn sa ina ni Hannah ay muli itong bumalik sa presinto kung saan pasamantalang nakakulong ito. Masakit man sa kanyang hindi matutulungan ngayon ang anak ay titiisin niya. Dapat na nga siguro niyang tikisin ito.

"Ma, makakalabas daw po ba ako?" Tanong agad ni Hannah sa kanya. Agad naman nanubig ang mata ng ginang. "Ma, sagutin niyo ang tanong ko." May kalakasan niyang aniya sa ginang.

"Patawad anak. Pero hindi kita kayang ilabas dito. Wala akong magawa." Sagot ng ginang. "What? Anong klaseng ina kayo kung hindi niyo kayang ilabas dito ang anak niyo. Wala kayong kwentang ina. Bweset. Simpleng bagay lang hindi niyo magawa." Sigaw niya sa ginang. Natigilan naman ito at hindi siya makapaniwala sa tinuran ni Hannah sa kanya. After na ginawa nila dito ay sasabihin nitong wala siyang kwentang ina.

"Don't ever try to tell that with your mom Hannah." Ang galit na nagpalingon sa ginang. Sinundan ito ni Gemalyn pagkaalis niya sa bahay nila. At hindi niya maatim na sinisigawan ito ni Hannah. Oo nga at nakagawa ito ng pagkakamali sa kanya pero never niyang pinagtaasan ito ng boses.

"Hindi ka inutusan ni tita na gumawa ng katangahan. At wag na wag mong masigawan si tita at sabihing wala siyang kwentang ina. Dahil kung wala siyang kwentang ina ay sana hindi ka niya kinupkop at itinuring tunay niyang anak. Ang walang kwenta dito ay ikaw. Dahil wala kang utang na loob. Niyurakan mo lang ang buong pagkatao ni tita at tito. Kaya nararapat lang sayong magdusa dito sa loob ng kulungan. Dahil makasarili ka. Sarili mo lang ang iniisip mo." Sigaw ni Gemalyn dito. Agad naman itong inalalayan ni Andrie na sinundan rin siya doon.

"Pasalamat ka at buntis ako. Kundi makakatikim ka sa akin. Oo nakagawa ng pagkakamali si tita at tito sa akin pero never ko silang sinigawan. Nagalit man ako sa kanila pero kinalimutan ko na yun dahil alam kung may dahilan ang lahat. Kaya wag na wag mo silang masumbatan dahil wala kang karapatan." Anito.

Ang ginang naman na nagpipigil na wag maiyak ay tuluyan itong naiyak matapus ng narinig niyang tinuran ni Gemalyn. Doon niya napagtanto kung gaano kaswerte ang magulang nito sa kanya dahil napakabuti niyang anak.

Natigilan naman si Hannah matapus niyang marinig ang sinabi ni Gemalyn sa kanya. Dahil malaking sampal sa kanya ang ampon nga lang pala siya.

"Tita, I'm sorry. Hindi ko lang kayang pakinggan na sinabihan niya kayong walang kwentang ina. Dahil alam kung ginawa niyo naman ang lahat para sa kanya." Anito sa ginang ng balingan niya ito. Agad namang siyang niyakap ng ginang.

"Tara na po, hayaan niyo muna siyang magising at magtanda." Sabi nito sa ginang na agad naman tumango.

"Ma. Ma, wag niyo ako iwan dito. Ma, please palabasin niyo ako dito." Nanlilisik ng ani Hannah. Ngunit umiling lang ang ginang. Umiiyak itong tumalikod kay Hannah kasama si Gemalyn at Andrie.

Agad na ipinahatid ni Andrie ang ginang pauwi pagkalabas nila ng presinto. Inalalayan naman ni Andrie si Gemalyn hanggang makasakay ito sa dala niyang sasakyan.

Napaupo naman si Hannah ng hindi na niya makita ang ina. Gustong gusto na niyang magwala pero hindi niya magawa dahil ang lahat ng mga kasama niya sa loob ng silda ay nakatingin sa kanya.

"Kung ako ang naging nanay mo ay hihilingin kung ibalik ka kung saan ka galing. Ang sama ng ugali mo." Hindi nakapagpigil ang isang preso na kasama niya.

"Wag ka nga makalapit-lapit sa akin." Sita niya sa isang preso na tumabi sa kanya. Ngunit hindi siya pinansin nito. "Ano ba?" Singhal niya dito ngunit agad lang hinawakan nito ang panga ni Hannah.

"Wag mo dalhin dito ang ugali mo sa labas. Naintindihan mo. Dahil dito kapag sinabi kung maghubad ka sa harapan ko ay dapat mong sundin kung ayaw mong magkabali-bali ang buto mo sa gagawin ko sayo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mabilis naman siyang tumango.

Because You Loved Me(Completed)Where stories live. Discover now