Ikaw pa rin pala

7.6K 77 2
                                    

By : Angel Acala

Ilang ulit ko na din sinubukang kalimutan ka
maraming beses na din akong umiwas,
dahil sawa na akong umasa.
pero bakit hanggang ngayon mahal pa din kita?

Pilit kong ipinipikit ang aking mata dahil paulit-ulit akong nasasaktan sa tuwing nakikita ka. Gusto ko ng sumaya,
pero hindi ko yata kaya ng wala ka.

Naalala mo pa ba yung mga pangarap na binuo nating dalawa?
Ngayon ako na lang pala ang tutupad mag-isa.
Kasi may iba ka ng pangarap at kasama.
Nakalimutan mo na yung pangako natin sa isa't-sa.

Minsan mo ng binuo ang puso ko
hindi ko naman alam na ikaw lang din pala ang dudurog nito. Bakit mo ko pinasaya? Kung sa huli mang-iiwan ka din pala.

Pero sa dinamirami ng rason para hindi kita gustuhin,
sa dinamirami ng dahilan para kalimutan ka
Itong puso na sinaktan mo
Ikaw pa rin pala ang gusto.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now