Para sa kaibigan kong tanga

2.2K 14 0
                                    

Bakit ka nagmamahal ng taong di ka naman mahal?
Bakit mo pinagpipilitan ang sarili mo sa taong ayaw na nga sayo?
Bakit ka nag-eeffort para sa taong hindi naman ma appreciate ang mga ito?
Bakit ka nagpapakatanga sa taong hindi makita ang halaga mo?
Bakit sa dinadami dami ng hiningi mong advice, ni isa dito hindi mo kayang ma-apply sa sarili mo?

Bakit?

Maraming bakit, maraming bakit na isa lang naman ang sagot; yun ay dahil mahal mo pa siya, sa kabila ng lahat:
sa kabila ng lahat na sakit na pinaramdam niya sa'yo, sa kabila ng paghaya niyang madurog ang puso mo tuwing
nakikita mo silang magkasama't nakalimutan ang kung ano mang noon ay meron kayo, sa kabila ng pag-iwas niya sayo,
sa kabila ng pag-seen niya sa mga chat mo, sa kabila ng pag-ignore niya sa mga tawag mo.

Sa kabila ng lahat ng 'yon, handa kang magpaka tanga
dahil nga sa mahal mo pa siya kahit na may minamahal na siyang iba.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now