Tamang Tao sa maling panahon

3.2K 27 0
                                    

by: steph

Tamang tao sa maling panahon,
Pwede nga ba iyon?
Pero bakit kahit anong pilit
Hindi magawang makamit

Ating pinaglaban ang ating pagmamahalan,
Ngunit sa huli tayo pa din ay luhaan
Kay sakit na isipin na mahal mo ako pero kailanman di ka naging akin, Hindi ka nga akin pero bakit pinipilit ka nyang kunin?

Bakit hindi pwede kahit nagmamahalan tayo?
Dahil ba bago pa magkaroon ng 'tayo' mayroon ng 'kayo'?
Ang hirap ng may pinanghahawakan
Hindi mo ma iwan-iwan

Tayo'y nagmahalan ng patago sa takot mahusgahan
Dahil alam nating pareho na mapanghusga ang ating lipunan
Kinaya kahit hindi madali,
Tinuloy kahit alam nating mali

Ngunit sa huli ika'y nawala pa din
Kahit ikaw ay hindi akin,
At ang isa't-isa ay kailangan na nating bitawan
Ayaw man natin pareho pero wala ng paraan

Kahit ayaw kitang mawala
Wala pa din akong magawa
Parang baldado na hindi makalaban
Dahil sya ay may pinanghahawakan

Mahal na mahal kita pero wala na
Sana dumating yung araw na pwede na
Ang mga katagang iyon iniwan
Iyon ang aking panghahawakan at itatak sa isipan

Mahal, alam ng Diyos kung gaano kita ka mahal
Babalikan kita at sa oras na yon gagawin ko ang lahat kahit pa ako ay maging hangal Sa mga panahong iyon kaya na kitang ipaglaban at sa wakas tayo ay sasaya Dahil magmakaawa man sila, hinding hindi na kita ipapaubaya.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now