"Lessons of Love"

3.2K 53 2
                                    

Pag ang love daw ang inaral hindi raw utak ang iiral". Siyamnapo't siyam na porsyento alam mong pinupunto, dikit-dikit, konektado! Hindi na kailangan ng blackboard para maafford ang lessons of love ng ituturo! Dito, malalaman mo mula sa bunbunan ng ulo hanggang sa vessels ng iyong puso, na ang love ay unpredictable at kadalasang binabali ang possible para matuto. Papatunayan ko na ang matematika o siyensya ay hindi pwedeng ikalkula ang damdamin nating dalawa ngayong tayo ay pinagtagpo ng tadhana.

Mahihiya ang batas ng motion ni Newton, dahil nang nagkaron tayo ng interaction hindi naging opposite ang ating reaction. Nafall ako sayo hindi gamit ang gravity kundi dahil tama ko sayo ay direct velocity. Nainlove ako mas mabilis pa sa humigit kumalang di mabilang na kilometer per hour dahil sa taglay mong pambihirang power. Kaya naman nang di ako makapagconfess, hindi frequency, decebells, tone ang aking narinig, it "Hertz" ang lumabas sa aking bibig! Pero none of them actually "matters", kaya kong pahintuin ang time continuum, o kinetic energy ng pendulum para ipakitang ang love ko'y di nawawalan ng momentum.

Kaya naman pakiusap lang huwag mo ng idivide sa fraction ang iyong attention sa pagmamahal kong proportion. Dahil pag ang pag-ibig ko ay tuluyang nagnegative, mahihirapan na uli ibalik ito sa positive. Malilito ang Cartesian Plane sa placement ng coordinates at malabo na itong iestimate. Magsisimula nanaman maghanap ng solution para masolve ang equation ng love na di na nagfafunction. Pag ako kasi ay naging "x" lagi kitang tatanungin ng "y". Kahit trial and error ay itry, lagi parin yang sasablay.Hindi ako variable pero sana mahanap mo ang value ko! Huwag mo rin akong maliitin na parang exponent lang ako sa buhay mo!

Pero Kung di na gagana ang theory of relativity? Sorry na lang, baka wala nga tayong chemistry! Magtitiis na lang ako sa parallel relationship na masaklap na yayakap sa katotohanang I can only stay with you forever kahit na malabo tayong maging together!

Kaya para sa mga pantas na nilabag ang batas ng pisika para sa pag-ibig na mauuwi nalang sa huling pahina?

Eto lang masasabi ko:

"Mas madaling pag-aralan ang gravity kesa acceleration, mas madali kasing mafall! Kesa mag move on!"

Spoken PoetryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin