Hindi Ko Na Alam

2.8K 19 1
                                    

by : XLIGEIAX

Pagbabago sa ating mundo
Kitang-kita sa pagmumukha ko
Dahong kulay berde noon
Dahong tila ba'y nalugas at sira-sira na ngayon.

Tulad ng pag-ibig natin na nagsimula sa tingin
Sa salitang 'Ikaw' na nagresulta sa atin
Mahal, ikaw lang ang aking mahal
Ngunit tila bakit ika'y hindi na maunawaan

Bati at away 'yan ang madalas mangyari
Tila ba'y ang pagibig natin ay hindi na mawari
Mahal, mahal na mahal kita
Mahal, ako ba'y mahal mo ba talaga?

Sakit at kirot ng damdamin; akala ko ba'y wala kang ganyang hangarin Mahal, mga pangako mo na akala ko'y iyong tutuparin
Mahal, bakit ganto na lamang ang sakit ng aking damdamin?
Nalilito, nalilito at wala ng alam sa mga nangyayari; Mahal pakisabihan naman ako sa mga ibig mong mangyari.

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong nangyayari saatin
Hindi ko na alam bakit ang pagibig na nagbabaga noon ay tila ba'y nanlalamig ngayon. Hindi ko na alam kung magtatagal pa ba tayo ng matagal na panahon. Hindi ko na alam ano nga ba nangyayari sa atin ngayon.

Mahal, gusto kita makasama habang buhay
Mahal, gusto kitang tulungan sa lahat ng bagay
Mahal, matatangap mo ba ang isang dalagang sirang-sira na?
Mahal, handa ka bang masugatan sa talim ng aking espada?

Isang dalaga na hindi pa nagbubukas ng kanyang libro
Isang dalaga na hindi pa kayang magkwento
Isang dalaga na takot magmahal ng kahit sino
Isang dalaga na paunti-unting ginigilitan ng kutsilyo.

Mahal, kaya mo pa ba akong mahalin?
Mahal, kaya mo pa ba akong tiisin?
Mahal totoo ka ba talaga saakin?
Mahal handa ka ba sumabak sa isang gyerang walang tigil?

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung maitatanong ko ba ito sayo. Hindi ko alam, pero alam ko ikaw lamang ang pinaka mamahal ko.
Hindi ko na alam, pero ikaw lang ang unang nagparamdam sakin nito. Hindi na talaga alam ng puso't isipan ko.

Pero Mahal, kahit anong sakit kakayanin ko para lamang sayo.
Para sa pagibig na inaasahan kong hanggang sa pinakahuling hininga ko. Mahal, ang kailangan ko lamang ay pagkakatotoo mo.
Mahal, mahal mo ba talaga ako?

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now