HINDI KO ALAM

3.7K 37 1
                                    

By :Jiah Buenconsejo

Hindi ko alam kung paano ito sisimulan
Tulad ng ating pagmamahalang di inaasahan
Hindi ko alam na sa apat na sulok ng silid aralan
ay may dalawang estudyanteng mag-iibigan

Hindi ko alam bakit sa dami-daming babae na uma-aligid sayo
ako na tahimik lang ay iyong ginulo
Iiwas sana at lalayo
Pero tuwing ginagawa ko ito,
damdamin ko'y nanunukso

Hindi ko alam na sa paglipas ng panahon, tayo'y nag-aminan
Di alam bakit may kulang
sa ating pagsasamahan
Di nga pala sapat na hindi natin alam kung ano tayo at kung ano ang hindi
kaya ika'y nanligaw sabay ng aking matamis na "oo"
Masaya nating sinimulan ang pag-mamahalan
pero ganun nadin, hindi mo pinanindigan

Hindi ko alam kong ako'y nagkulang o sumobra
ngunit hanggang tanong nalang dahil wala kana para sagotin
Akala ko ba mahal mo ako?
Akala ko ba sapat na ako?
Akala ko lang pala. Lahat.

Hindi ko alam kung bakit naging madali sayo ang pag-iwan ng mga ala-alang sabay nating binuo
Ako nga pala'y isang laruan sayo
Una una hindi mo kayang bitawan at iwanan
pero sabay nito kapag nagsawa, papalitan
kung hindi na kailangan, wala ng halaga
Tao nga pala ako
hindi bagay sayo

Hindi ko alam bakit pa tayo pinagtagpo pero hindi tinadhana
pero salamat, ika'y naging masayang parte sa unang mga pahina ng aking libro

Alam ko na ikaw ang dahilan ng aking mga simula
ng mga kasukdulan
at mga kasunod
pero alam ko rin na hindi ikaw ang huli kong pahina
dahil ang aking buong libro, ay hindi lang ikaw ang kwento

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon