Sampung hakbang palayo sayo

2.5K 31 2
                                    

By : Khen Trinidad

Mahal mag bibilang ako hanggang sampu
Mag bibilang ako kasama ng puso kong bigo
Sisimulan ko na.

Isa, isa akong hamak na tao na nahulog sa patibong ng pag-ibig. Pag-ibig na di ko akalaing mararamdaman ko sayo.

Dalawa, dalawa tayong nangako sa isa't isa na kahit kailan ay hindi mag hihiwalay. Dalawa tayong bumuo ng pangarap na balang araw ay ikaw at ako ang mag kasama habang buhay.

Tatlo, tatlong beses kitang sinorpresa, tatlong beses ko ding nakita ang mga ngiting walang makakatumbas na kahit ano sa mundo.

Apat, apat na beses kitang haggan sa isang araw. Mga halik na nakakapag matahimik sa magulo at maingay kong isip.

Lima, limang pag kakataon ang ibinigay mong pag kakataon, sa tuwing nag babadya ang hindi maganda sa ating relasyon.

Anim, sa pang anim na pag kakataong hiniling kong pagbigyan mo. Pag bigyan mo na akoy mag babago, at ibalik ang lahat. Ngunit huli nako.

Pito, pitong araw na ang nakalipas mula nung nag disisyon kang iwan at talikuran ang kung anong meron tayo.

Walo, walong beses akong nag maka-awa na balikan mo ko. Ngunit wala na. Wala na talaga.

Syam, syam na beses akong nag isip. Nag-isip na tama bang bitawan narin kita, na kalimutan na kita, gaya ng sabi ng iba.

Sampu, at pinaka huli, sa ika sampung pag kakataon ay nagising ako. Nagising ako sa katotohanang hindi na ako ang mahal mo at hindi na ako ang dahilan ng ngiti sa mga labi mo.

Mahal pinapalaya na kita sa gapos ko, pinapalaya na kita mula sa higpit ng kapit ng aking kamay na nakahawak sating pangarap at pangako.

Mahal kita hangad kong maging masaya ka.
Paalam mahal, ako'y lalayo na.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon