Kaya ko ng wala ka

2.8K 21 0
                                    

By : Ana Katrina

Kaya ko ng wala ka...
Kahit na nasanay pa,
Alam kong hindi 'to madali,
Malilimutan din kita,
Para sa akin ngayon, ikaw nalang ay isang masayang alaala.

Kaya ko ng wala ka...
Kakayanin kahit masakit,
Idadaan nalang sa pag awit,
ang bawat nadarama, nitong pusong puno ng pait.

Kaya ko ng wala ka...
Kahit mahirap,
Hindi man natupad ang munti kong pangarap—
pangarap na makasama ka,
Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, alam ko may tao pa ring darating at sasambitin sa akin ang salitang, "Mahal na mahal kita".

Kaya ko ng wala ka...
Simula nang sinabi mong mas mahal mo siya,
Lumuhod man ang mga tala,
Alam kong hindi ka na babalik pa,
Dahil sa puso mo ako'y may kapalit na.

Hindi ka man mawala agad sa isip,
Pipilitin kong ikaw ay limutin,
Dahil kahit ano pa ang mangyari, ito na dapat ang tamang gawin.

Saan nga ba dapat pumunta?
Kung ikaw lang ang alam kong tagpuan.
Ano nga ba ang dapat gawin?
Kung ikaw lang ang nakasanayang kanlungan.

Paano na nga ba?
Paano na pag nawala ka?
Ako ba ay mag mimistulang bituin—
butuin na wala ng kinang sa iyong paningin.

Kaya ko ng wala ka,
Kahit ang buhay ko ay pinuno mo ng saya, ang tanging hiling lang ay wag ka na sanang babalik pa.

Ayoko man sayo'y sambitin,
ako'y iyong patawarin.

Paalam na.
Paalam na.
Kaya ko ng wala ka.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now