"Magpahinga"

1.9K 13 0
                                    

Ayun ayun...
Tama yan.. magpahinga ka.

Magpahinga sa lahat ng sakit na ininda,
Magpahinga dahil sobrang sakit na,
Magpahinga dahil may sakit ka,
Magpahinga dahil wala na sya.

Tama yan. Magpagaling ka.

Magpagaling ka dahil limot kana nya,
Magpagaling ka dahil bale wala ka nalang kapag dadaan syah,
Magpagaling ka dahil nasaktan kana ng sobra,
Tama, magpahinga ka kahit pang habang buhay na.

Gusto kong magpahinga, kahit pang habang buhay na,
Dahil gusto nang limutin ang sakit,
Ayaw nang tikman ang pait,
Ayaw nang balikan ang mga alaalang sa tubig ay gusto nalamang iguhit.

Kaya tama, magpahinga,
Magpahinga dahil sobra na,
Magpahinga dahil pagod na,
Mahal, ako'y magpapahinga na sa kamang yakap ay lahat ng sakit na gunita,
Yakap ang unan na syang lambot ng matigas mong damdamin,

Kasama ang kumot na sinlamig ng pagmamahal mong inalay sa akin,
Sabay ihip ng nakapanlulumyang hangin,
At pababang gumapang ang luha na gustong pawiin,
Namuo ang mga nagmamantikang luha na bumuhos sa lupa,

Kasabay ng pagbuhos ng ulan na nakapanghihina,
Kasabay ng pagkulog at sinasabing 'Wala na ang lahat,'
Ang damdamin mo para sa akin na mabilis na nawala tulad ng kidlat,
Sa pagbuhos ng ulan pawang nalantang bulaklak.

O mahal, naririndi na sa nakabibinging katahimikan,
Naririndi na sa mga boses sa isip na 'Bakit mo ko iniwan?'
Pilit na ipinipikit ang mulat na mata,
Ang mga matang nakasaksi ng iyong paglisan,

Kaya tama, tamang ako na ay magpahinga,
Magpahinga sa lahat ng sakit na ininda,
Magpahinga dahil sobrang sakit na,
Magpahinga dahil may sakit na,
Magpahinga dahil wala kana.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now