Madalas

2.7K 29 0
                                    

 by: Nikko Gii Lumbres


Madalas,
Ang laging paksa natin lalo na sa
Social media, pag-ibig.
Na siyang kailangan ngayon ng ating bayan
Pag-ibig, na ngayon ay laro na lamang para sa karamihan

Ganyan na ba ang turing n'yo sa pag-ibig?
Isang laro?
Na magpapahinga lang sandali
Kapag ikaw ay nahapo?
From: pag-ibig
To: isa na lamang laro?

Hindi ka nagtiTetris
Na 'pag nagame over, 'resume play' lang ayos na.
Hindi rin naman basketball,
Na kapag nakaiskor ang kalaban
E' magdidrible ka nanaman.

Pag-ibig 'yan.
Hoy! P A G I B I G.
Puso ang pinaguusapan
Hindi Pusa.
Na siyam siguro ang puso
Kase, siyam ang buhay, e.

Ikaw, ako. Isa lang.
Na kapag nilaro mo baka mamanhid pa.
Baka labasan pa 'yan
Ng mga luha at hinanakit sa nanakit.

P A G I B I G.
S E R Y O S O H I N.
I S A I S I P.
I S A P U S O.
tandaan: H I N D I L A R O.
—Ang P A G I B I G

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now