Ayoko na

2.6K 21 0
                                    

By : wxyz

"Ayoko na." Dalawang salitang binitawan mo sa akin na senyales na tapos na tayong dalawa.

Kaya ngayong nagbabalik ka, ako naman ang magsasabi ng salitang "Ayoko na."

Ayoko na makinig sa mga kasinungalingan mong nagpaikot dati sa aking munting mundo.

Ayoko ng maniwala sa tuwing sinasabi mong mahal mo ko at mahal mo pa din ako.

Ayoko ng makita ang mga ngiti mong nagpapagaan dati ng loob ko.

Ayoko na maramdaman ang sakit na dinulot mo nung panahong iniwan mo ko.

Ayoko ng titigan ka sa mata habang sinasabi ko sayong mahal na mahal kita.

Ayoko na sa mga pangako mong mahal mo lang ay ako at sa akin lang umiikot ang mundo mo.

Ayoko na marinig lahat ng sasabihin mo dahil ayoko ng mapaniwala ulit ng isang katulad mo.

Ayoko na kaya lumayo ka na dahil baka mahalin ulit kita at maiwan na naman akong nagiisa. Kaya pakiusap, tama na dahil ayoko na.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now