RtB-Thirteen

488 17 3
                                    

#RtBnasaktan
---------

Di ako nakatulog ng maayos kagabi. Letcheng Rowan yun bakit ba kasi kinikilig ako sa kanya e hindi ko nga siya Crush o gusto man lang bakit ganon!



Oo gusto ko siya as a Friend lang. Yun lang.


Tologo long ho?


Naging ngongo kana konsensya wag ka ngang sumabat jan alam mo namang..



Ay erase erase erase..



Paano kaya kung may abs talaga si Rowan at makita ko yun ng harapharapan!


Omg!  Bakit biglang uminit ang mukha ko habang iniisip yun.


Nagiging manyak kana Olivia palihim mong ginagahasa jan si Rowan sus! Chos mo te alam kong mahuhulog ka sa kanya balang araw.




What?! Hoy!  Hinding hindi yan mangyayari no! May crush ako kaso nga lang may gusto siyang iba.




Oo aaminin ko may crush ako pero crush lang yun. Pero nga lang sa tingin ko hindi niya ako gusto halata naman eh ang sweet nga nilang dalawa.




Tsk.




Pati sa crush Olivia umaasa ka!




As if naman na umasa ako?  Crush nga diba paghanga lang yun hindi Mahal! At di pa ako ready magmahal no walang dahilan para magmahal ako ulit. Pero minsan naiisip ko ring..






Shit.





Bakit ba biglang nag appear yung ngiti ni Rowa sa isipan ko. Arghhh..




Rowan nalang ng Rowan wala nabang iba.




Hihihi.. Ang cute kasi ng ngiti niya..





Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang mukha ni Carla malapit sa mukha ko.



Dahil sa gulat ko itinulak ko siya.





Takte!





"aray ha!  Kung makatulak wagas kanina kapa ngiti ngiti jan tapos sumimangot tapos ngiti ngiti ulit ano ba talaga nababaliw kana ba talaga huh ateng sabihin mo lang willing kitang sipain papuntang mars sakit ng pwet ko arghh!" reklamo niya.




Talaga kanina pa talaga ako nakangiti?




Weee di nga?




"si Rowan yung inisip mo ateng no? If I'm not mistaken! Hahahaha namumula ka ateng" usal ni Carla tapos tumawa.




"shut up carla nasabihan mo naba si Ma'am reina about mamaya?  Pag-iiba ko ayuko kasing pag-usapan si Rowan.





My cookies.




Luh?  O_________O




Bakit ko ba naisip yung..



Ays.. Nevermind..



Umayos ng upo si Carla nandito kasi kami sa Ground nagmuni-muni. Joke lang may ginawa lang kami para ipasa kay Prof. Mamaya.



"Binigay ko na rin yung Instrumental pati yong banda pinaready ko na para mamaya at yung stage ateng ayun oh!  Ready na" wika niya sabay turo sa may bandang kanan.



Napatingin ako.




Okay naman siya nagtataka siguro ang mga studyante kung bakit may stage sa ground. Lage kasi silang tumitingin tuwing dumadaan. Nandoon na rin yung insturments na kailangan.




Pero kinkabahan talaga ako.




Sinong hindi kabahan eh mukhang lilindol mamaya magnitude 100 hahaha good luck nalang sa boses ko.




"ateng alam ko namang maganda boses mo wag mo ng e deny! Kaloka ka pag walang manonood mamaya ateng magugunaw na talaga pangarap ko!  Waaaah"



Baliw talaga. Papayag ba naman akong walang manood pinagplanohan ko na lahat kung anong gagawin para mamaya.

Alam niyo ba yung balita girls si Nate at si Holly na daw? Ew di bagay.


Hahaha oo nga eh... Matapos niyang saktan si Vinz agad nakahanap?  Imagin girls 1 year sila pero dalawang buwan palang may iba na siya..


Kalat na kalat sa school ang sinabi ni Olivia tungkol kay Holly pero yung iba naman kasi jan gustong gusto si Holly kay Nate kasi nga diba Muse tapos president!  Kaloka girls! 



Good luck nalang kay Nate kung lokohin din siya paasahin siya. Well Nate deserve someone better no! Kung sa akin lang sana siya napunta di ko talaga siya sasaktan.


Korek ka jan!  Dapat sa akin no siguradong sasaya siya!


Hindi!  Akin siya.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Paanong naging si Nate at Holly agad agad?  Wala man lang balita tungkol sa proposal tapos!


Bakit nasasaktan ako..




Bakit may naramdaman akong kirot sa puso.





"ateng anong problema bakit ka umiiyak!"


Nabigla ako sa tanong ni Carla.




"anong umiiyak hind-"




Di ko natuloy ang aking sasabihin dahil meron akong naramdamang mainit na bumabaybay sa akong mga mukha.




Napahawak ako sa aking pisngi.




Totoo ngang umiiyak ako.



Pinunasan ko agad ito baka may makakita pang iba at mapahiya pa ako.


"babyloves dahil ba yun sa narinig natin kani-kanina lang? Nandito naman ako para makinig sayo" mahinahong sabi ni Carla.


"ha? A-ah w-wala to ano kaba"

Pinalo ko siya sa braso at napilitang ngumiti.



Napabuntong hininga ako.



Baka nga gusto ko na si Nate kahit hanggang tanaw nalang ako sa kanya. Matagal na kasi akong nasasaktan tuwing nakikita ko sila ni Holly akala ko nong una wala lang na naiinis lang ako tuwing na kau Holly ang atensyon niya.





Na realized ko ding baka napagod na rin siya kakasunod sa akin, kakapansin kaya ata itinigil niya na.


Ano bang ginawa ko?




Sinungitan ko lang siya lage tapos pinagtabuyan pa. Pinaramdam ko sa kanya na wala siyang halaga sa buhay ko. Baka nga naisip niya yun kaya bigla bigla nalang siyang di namamansin.





Ayaw ko lang kasing masaktan ulit pero ano itong nararamdaman ko ngayon?



































Nasasaktan ulit ako na hindi ko namamalayan.

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now