RtB-Forty Five

313 10 0
                                    

#RtBHope
---------

Ilang araw akong lutang na parang hindi ko alam kung anong gagawin. Hanggang ngayon marami parin akong tanong. Iniiwasan ko sila Rowan at Lalaine. Kahit masakit makita silang magkasama, binalewala ko nalang.

"Olivia!"

Halos napatalon ako sa gulat.

"Ano?" kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Kyla.

"E cheer mo kami sige na! Bilis sama ka sa akin!" hinila ako ni kyla bigla na parang bata. Hindi naman ako nagreklamo.

Inter Collegiate Game na pala, parang kahapon lang pinag-usapan namin ang tungkol dito pero ngayon..

Tama.. I'll enjoy myself instead..

Di yung nagmumukmok ako sa tabi-tabi na parang walang nangyari.

Nakarating kami sa Court, ang daming tao tapos meron pang nagtatambol at sumisigaw. Sumingit kami sa mga nakaharang na studyante. Taga ibang school ang mga nandito.

Mukhang may nanalo na ngayon ah. Hindi parin binibitawan ni Kyla ang mga kamay ko.

Nakita ko sa di kalayuan si Vinz kasama ang kambal. Teka? Wala ba silang game ngayon?

"Babe we're here" ani ni kyla tapos humalik sa pisngi ni Vinz.

Eh di kayo na ang sweet! Letche! Maawa naman kayo sa walang lovelife dito.

"Dito prinsesa olivia" tinapik ni Geo ang bakanteng upuan. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang tawag nila sa akin. Hinayaan ko lang sila.

Umupo ako sa tabi ni Geo, bumati naman si Leo sa akin pero panay subo sa chips na dala niya.

"Wala ba kayong game?"

"Mamayang hapon pa" sagot ni Geo.

Bumaling ako kay Vinz.

"Kayo Vinz?"

"Mamayang hapon din manonood kami ngayon sa Lady Griffins" sagot ni Vinz at ngumiti sa akin.

Palingon-lingon ako para hanapin si Kyla. Nasaan na yun?

"Nandoon na sa bleacher si Kyla Olivia" ani ni Vinz.

Nakita ko naman si Kyla doon at kumaway ako sa kanya. Buti nalang nasa amin ang tingin niya.

Natigilan ako ng nagtama ang tingin namin ni Rowan. Nandoon din pala siya malapit kay Couch Daniel.

"Prinsesa Olivia nagtxt si Couch na kung pwedi daw doon ka lumipat sa bleacher kung saan sila Kyla"

Ang ingay naman! Ano ulit sinabi niya?

"Ha di kita marinig Leo"

Lumapit siya sa akin at bumulong sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong ako? Ano naman ang gagawin ko doon?

"Sabihin mo dito nalang ako Leo" bulong ko din sa kanya.

Bumalik sa upuan si Leo at nagtipa sa phone niya. Nakatingin lang ako kay Leo pero nagsalita siya ulit.

"Kahit ngayon lang daw Prinsesa Olivia sige na pumayag kana! Kawawa si Couch eh hihihi" nag peace sign pa ang loko.

Tumango nalang ako at nagpaalam sa kanila. Nagtungo ako kung saan sila Couch. Ang mga members ay abala sa pakikinig. I think, strategies ang pinag-uusapan nila.

Lumapit ako sa kanila at bumati.

"Hello Olivia! E cheer mo kami ah!" ani ni Claire.

"Sure!" bumaling agad ako kay Couch.

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now