RtB-Twenty Four

422 9 0
                                    

#RtBtanong
---------

Nakilala ko ang mom ni Nate kanina. Hindi ko mapigilang humanga sa mom niya. Dahil kahit gaano man kalayo ang kompanya nila lage siyang pumunta sa Hospital. Ang sabi niya pa kahit may meeting daw siya, pinagliban niya kasi ang importante nanjan siya sa tabi ni Nate.



Ano naman ang sasabihin ko ngayon Carla? Alam kong nagtatanong na naman sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at pumasok ng condo.


"San ka nanggaling?" bungad niya sa akin na nakapaseryoso.

Kinabahan ako.


Shit. Ano sasabihin ko.


"Alam mo bang kanina pa ako naghihintay dito kasi akala ko umuwi kana! Hinintay ka ni Rowan kanina pero walang Olivia ang nagpakita tapos uuwi ka ng ganitong oras?" medyo tumaas ang Boses niya.



Naalala ko si Rowan.

Yumuko nalang ako at hindi siya pinansin. Nagi-guilty ako sa mga sinabi niya tungkol kay Rowan.

"Ano bang problema mo Olivia!" singhal niya.

Kaya napatigil ako sa paglalakad. Naguguluhan ako kung ano ang sasabihin ko. Pero hinarap ko siya...


"Wala akong problema sorry kung nakauwi ako ng ganitong oras may pinuntahan lang ako"


Halos nanliit ang mata ni Carla habang nakatingin sa akin. Ako naman todo iwas sa kanya, kasi ayaw na ayaw kong tinitigan niya ako.


"Sana sinabi mo sa akin kasi nahihiya ako kay Rowan na naghihintay sayo bumili pa siya ng Ice cream at French fries sayo kasi akala niya galit ka sa kanya pero ewan ko sayo Olivia kung may problema ka sabihin mo naman"

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa sinabi niya. Kasalanan ko na!
Di ko alam kong anong mukhang ihaharap ko kay Rowan bukas.


"Sorry sa nagawa ko Carla kakausapin ko nalang si Rowan bukas sorry talaga"


"babyloves naman! Nag-alala lang naman ako uuwi ka ng diyes oras ng gabi? Ngayon ka lang umuwi ng ganito" mahinahon niyang tugon.

"Sorry" tipid kong sagot.

Niyakap ako ni Carla bigla. Gusto kong maiyak dahil gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko.

"Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin kasi pinsan mo ko ayaw kitang makitang ganito" usal ni Carla habang hagod hagod ang buhok ko.

Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Sige matulog kana kumain ka na ba?" tanong niya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at ngumiti sa akin.


"Tapos na sorry ulit ah"


"di mo ako madadala sa ganyan ateng kaya matulog kana sa susunod sabihin mo sa akin kasi baka ipatapon ako ni Tita Eli pag may nang-yari sayong masama kaloka ka!" usal niya habang natatawa.


"Mahal ka ni mama no! Salamat sa lahat pinsan"

Pumasok na ako sa kwarto at ibinagsak ang akong katawan sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame at napapaisip sa sinabi ni Carla. Umiling-iling ako, tsk ang sama ko talaga. Ang dami ng ginawa ni Rowan para sa akin pero anong ginawa ko? Ito.. Hays..


*tok tok tok

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin si Carla na may dalang Ice cream at French fries.


"Wag ka munang matulog ateng kain muna tayo nitong binili ni Rowan oh!"



"Sige" lumabas kami sa kwarto at pumwesto sa mesa. Magkaharap kaming kumain ni Carla.

Ang totoo kasi hindi ko namalayan ang oras kanina kaya medyo natagalan ako sa hospital. Lalo na medyo madaldal ang mom ni Nate. Pero nang mga oras na yun?  Nakita ko ang dating nate noon, na masayahin, makulit at palatawa. Para siyang walang dinamdam ng mga oras na yun.

Pinakilala ako ni Holly sa mom niya na close frien ni Nate. Hindi nga makapaniwala ang mom niya na may close friend si Nate. Hindi alam ng mom niya ang totoo pero hindi ko rin alam kung ano talaga ang nararamdaman ni Nate para sa akin.


"Ateng kanina kapa nakatunganga jan! Iniisip mo ba si Rowan?"

Nabalik ako sa wisyo.

"Oo" tipid kong sagot.



Ngumiti siya na may parang may kahulugan. Ewan ko sa pinsan kong to lahat nalang ata bigyan niya ng malisya.

"So kailan mo siya sasagutin?"

Halos mabilaukan ako sa tanong niya. Napainom agad ako ng juice.

"Takte carla paptayin mo ba ako sa gulat at bakit ba kasi bigla bigla kang nagtatanong ng ganyang bagay!" panunuya ko na may halong pag ka inis.


Pero...



Oo nga naalala ko na. Bakit ba nawala sa isip ko yun.




"hiningi niya ang account ng mom at dad mo sa akin, hihingi siya ng permiso na manligaw sayo at syempre sinabi niya sa akin yun nagtanong pa siya kong pasado ba daw siya sabi ko 100 percent pasado ka omegeeed kakilig nga eh"

Natawa nalang ako habang tinitingnan si Carla na parang inatake ng epilepsy sa kilig. Pero yung tawa ko dala kaba yun hindi ko alam kung bakit ang lakas ng pintig ng puso ko.


Pero what?!

Late reaction Olivia?



What the hedge?!!  Si Rowan?



"O bakit napahinto ka sa pagtawa? Di kaba makapaniwala sa ginawa niya seryoso na talaga si Papa Rowan mo!! Sagutin mo na kasi babyloves"



Panay ako lunok.




Shit bakit ako kinilig.


Umayos ako ng upo at tinaasan siya ng kilay.


"Hindi pa ako pumapayag"


"gwapo naman SI-WHAAATT?!!"




Dafaq.

Gusto niya bang mabingi ako sa sigaw niya bwisit talaga.





"teka hindi mo ba siya gusto?"


Tanong niya na ikinitigil ng mundo ko. Ayukong pangunahan ang nararamdaman ko. Di ko pa alam sa ngayon.




























I'm not sure..

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now