RtB-Twenty One

413 10 0
                                    

#RtBKatanungan
---------

Jetro's Pov.

Di ako makagalaw habang nakatingin kay Reyna Olivia palayo sa amin. Ang weird niya ngayon parang galit siya na di ko maintindihan.






"anong nangyari sa kanya bro?" pagtatakang tanong ni Ken.



Nagkibit-balikat lang ako kasi di ko rin alam kung anong dahilan niya kung bagkit ganon na lang sa amin.





"I think nagtatampo si Olivia"




Napatingin naman ako kay Nate.



Nagkaayos na sila ni Vinz nung isang araw at di ko rin alam kung paano basta ang sabi ni Vinz sa amin okay na sila wala na daw'ng problema kahit marami man akong gustong itanong pero binalewala ko nalang basta ang importante ok na sila.




"paano mo naman nasabi bro?"




" Minsan kasi ganyan siya kay Carla dati ang lamig ng pakikitungo niya" paliwanag niya.




"Baka nagtatampo sa akin" sabat ni Vinz.






Kunot noo naman akong nakatingin sa kanya. Bakit naman magtatampo kay Vinz si Reyna Olivia alam ko namang naiintindihan niya si Vinz na busy sa practice.





"feeling ko lang na sa akin siya nagtatampo" ani ni Vinz .





Kitang kita ko kung paano nalungkot yung mukha niya.




"ano naman ang dahilan niya para magtampo sayo ngayon ko lang ata nakitang ganon si Reyna Olivia" sabat ni Ken.




"Kinausap mo na ba siya tungkol kay Holly? Na  ok na kayo?" tanong ni Nate kay Vinz.






Ewan ko sa inyo! Di ko tuloy alam ang gagawin ko ngayong ang lamig ng pakikitungo sa akin ni Reyna Olivia. Gusto ko lang naman sumaya siya kaya nga botong-boto kami ni Ken kay Rowan kasi nakikita kong napapangiti siya ng palihim na mistulang Cctv tuloy kami ni Ken nito.







Ang gago niyo kasing dalawa!







"Hindi pa natatakot akong di niya ako pansinin sa susunod na araw alam ko namang galit yun kay Holly" sagot ni Vinz.






"Hindi niya na nga tayo pinansin gago mo!" di ko mapigilang mainis sa kanya.






Wala naman akong ginawa para maging ganon si Reyna Olivia tinuturing ko na siyang ate kahit na alam kong magkaedad lang kami. Gustong-gusto ko siyang maging ate kaso nga lang ako yung may bunsong kapatid ako yung nakakatanda tsk.






"teka teka chill lang Jetro ang hot mo!" sabat ni ken habang natatawa.




"alam kong Hot ako dude don't state the obvious"




Napailing nalang si Nate habang natatawa.




"Sabihin mo na kasi ang totoo bro sabihin mong ok na kayo ni Holly na sila na ni Nate na naka move on kana alam ko namang maiintindihan yun ni Reyna Olivia alam ko namang para kang bestfriend na ituring non eh"





Bigla akong natigilan sa sinabi ko.





Oo nga parang yun ang dahilan kung bakit ganon nalang siya kanina sa amin.






"Oo sasabihin ko sa kanya" sagot ni Vinz.




Hindi ko na tinanong si Nate tungkol dati. Parang dati lang si Reyna Olivia ang gusto niya tapos ngayon si Holly na? Ang dami dami kong tanong pero ayaw kong itanong sa kanya para kasing di ko maguguatuhan ang sagot niya.







Napakamisteryoso ni Nate wala akong masyadong alam sa kanya. Konti lang naman ang nalalaman namin ni Ken tungkol sa kanya.







"alam ko na!" sigaw ko.





Nagulat naman silang tatlo sa pagsigaw ko.




"anong alam mo na gago di kami bingi para sigawan mo!" reklamo ni Ken.




Si Vinz kunot naa namang nakatingin sa akin at si nate ayun ang seryoso ng mukha sarap nilang pagumpugin. Hahahaha ang unggoy at ang gorilla hahahaha.





Oy secret lang yun ah.






"hoy! Bakit kaba natatawa jan!  Nababaliw kana ata!" suway ni Vinz sa akin.







"baka nagtatampo yun kasi diba para ka niyang Bestfriend at tapos bigla bigla wala kanang oras sa kanya feeling ko bro ramdam yun ni Reyna Olivia na parang di mo na siya naalala nagkikita nga kayo every first subject pero agad agad ka namang umaalis"






Ewan ko nalang talaga hindi ko rin alam basta yan lang ang feeling ko o naisip kong dahilan kaya nagkakaganon si Reyna Olivia.










"Pero bro maiintindihan yun ni Reyna Olivia na busy siya" sagot ni Ken.







"saan yung utak mo bro sabi ko para silang bestfriend ni Reyna Olivia..ang slow mo ngayon!" siniko ko siya.





Ang sama ng tingin ng gago hahaha.









"Kakausapin ko siya" sagot ni Vinz na napabunton hininga.







"aba dapat lang kasi baka forever na kaming di pansinin ni Reyna Olivia wala pa naman kaming atraso sa kanya!papayag kaba tol? Na hindi tayo pansinin?" tanong ko at bumaling kay Ken.






"di naman tayo matitiis ni Reyna Olivia malakas kaya tayo sa kanya" proud niyang sagot.




Ang tanga talaga ng gago.






"Tol di mo ba nakita kanina hindi na nga tayo pinansin utak mo pare utak mo!" dinuro duro ko yung noo niya at natawa.





"tama na yan tara na baka sapakin tayo ni Couch ngayon ang tagal natin" sabat ni Nate.




"Captain ipasapak mo to kay Couch nakaksakit na ng damdamin" reklamo ni Ken at sumimangot.





"kung ako kaya sasapak sa inyong dalawa" pagbabanta ni Vinz na natatawa lang.





"Boss titigil na po"





















Tumigil nga ako pero ang utak ko di tumitigil sa kakatanong tungkol sa mga nangyayari di kasi sapat ang mga sagot na naiisip ko tsk.

Reason To Believe (Book 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora