RtB-Fifty

591 12 0
                                    

#RtBTrueLove
---------

Napatingin ako sa dinaanan namin ni Rowan papunta sa Hacienda. Halos limang oras ang byahe namin papunta doon. Limang araw lang daw kami dun kasi Enrollment na naman for second semester.

"Ang ganda dito saan naba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Hacienda Enrico" sagot niya.

Tumango-tango naman ako. Hindi parin nawala sa isip ko ang Lola ni Rowan. Wala kasi dito ang Mom at Dad niya nasa ibang bansa daw at mukhang next month pa makakauwi. Pero nakilala ko na sila kagabi via Skype na nakausap ko sila.

Natawa nalang ako habang iniisip yung sinabi ni Tita Rose na hindi daw marunong manligaw si Rowan. Si Rowan naman hiyang-hiya sa sinabi ng mom niya habang ang dad niya gusto ng umuwi para makita ako sa personal. Kaso nga lang may aasikasuhin pa sila dun.

"Aking reyna bakit ka ngumiti mag-isa jan?" tanong ni Rowan.

"Wala lang masaya lang ako kasi nandito ka sa tabi ko" ngumiti ako sa kanya habang siya naman panay sulyap sa akin at napailing.

"Kinilig ka no? Oiii kinilig siya" panay sundot ko sa tagiliran niya. Tawang tawa ako dahil nakasimangot siya.

"Bakit namumula yang tenga mo? Kinilig ka sa sinabi ko no? Aminin mo na kasi" tawa ako ng tawa habang siya naman pulang pula ang mukha hindi ako pinansin.

"Oy!" kinalabit ko ang braso niya.

"Sorry na joke lang yun Oy!" kalabit ako ng kalabit sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niyang hininto ang sasakyan at tumingin sa akin ng seryoso.

Patay galit ata? Omg! Patay..

"Hehe sorry na" nag peace sign pa ako sa kanya.

Hinila niya ako bigla at niyakap ako. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Para akong kinilabutan dahil sa hininga niya nanayo lang naman balahibo ko na parang kinikiliti ako.

"Salamat at dumating ka sa buhay ko Olivia hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng kasama kita ngayon"

Niyakap ko siya at palihim na napangiti.

"Thank you for saving me Rowan" bulong ko sa kanya.

Humiwalay siya at kunot noong nakatingin sa akin.

"What do you mean?"

"Kung di ka dumating baka naging bato na ang puso ko maraming salamat" ngumiti ako sa kanya.

Dinampian niya ako ng halik sa aking noo. Hindi maalis ang ngiti ko sa aking mga labi dahil ramdam na ramdam ko ang sincerity niya at pagiging totoo niya sa akin.

"Mag drive kana para makarating na tayo sa lola mo gumagabi na"

Pinaandar niya naman kaagad ang sasakyan at nagpatuloy kami. Di maalis ang tingin ko sa mukha niya. Ang swerte ko na siya ang binigay sa akin. Ito naba ang sinasabi nilang 'Masarap magmahal lalo na mahal ka ng taong mahal mo'. 

Ang saya-saya lang kasing isipin na mahal niya ako. May karapatan din pala akong maging masaya.

Parang dati lang lage ko siyang sinusungitan at binalewala pero siya kang naman ang lapit ng lapit sa akin. Akala ko talaga na sumuko na siya pero nagkamali ako ng akala. Ibang iba siya sa ibang lalaki. Siya ang tipo na lalaki hindi madaling sumuko sa isang bagay. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kanya basta ang alam mo mahal ko siya.

Huminto siya bigla.

"Dito naba yun? Bakit wala atang bahay?" tanong ko sa kanya.

Nakakapagtaka naman bakit puro puno ang nandito. May ilaw naman sa daan pero kinikilabutan ako ngayon. Feeling ko may multo sa tabi-tabi.

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now