RtB-Thirty Five

319 9 0
                                    

#RtBNararamdaman
---------

Patungo ako ng Oval ngayon para kausapin si Rowan. Hindi ako nagtxt sa kanya kasi gusto ko sa personal ko siya kakausapin.





Pagdatin ko sa oval hinanap ko agad si Rowan. Natatanaw ko siya dito na abala kaka drible sa bola at spike. Nagtungo ako doon nagkatinginan kami ni Holly.






Nilagpasan ko siya.






"Hi Couch" binati ko si Couch na may makahulugang ngiti sa akin.





"Bumalik kana kasi para makita mo siya araw-araw dito hayss" pang-aasar ni Couch sa akin at napailing.




Biglang naghiyawan sila Vinz at mga kasamahan ko dati. Napayuko ako at palihim na nakangiti. Ito na nga kinikilig ako.






"Couch kakausapin ko lang naman siya" hindi ko na hinintay si Couch na sumagot dahil aasarin lang naman ako nun.





Dretso lang akong nakatingin kay Rowan habang mga kasamahan niya napatigil at napatingin sa akin.



"Ang reyna mo dude nandito oh! Naks naman oh!"



"How to be you po! Wooo! Captain anong sikreto mo at nakapabingwit ka ng magandang dilag!"



Natawa naman ako sa mga naririnig ko. Bwisit talaga lage nalang akong inaasar dito kaya iniiwasan kong magpunta dito eh. Nakakahiya kasi.





Agad namang tumakbo papunta sa akin si Rowan.





"Hi aking reyna hindi kana galit sa akin? Nagustuhan mo ba ang binigay ko? Ahm sorry kanina hindi kita nasundo late na akong nagising sorry ak-"





Itinapat ko aking hintuturo sa mga labi niya para pigilan siyang magsalita. Masyado kasi siyang maraming sinasabi ngayon.





"Shhhh.. Naiintindihan ko" ibinababa ko ang aking kamay at nakatitig lang sa kanya.






"Rowan salamat sa binigay mo at hindi naman talaga ako galit sayo sorry kasi bad mood lang ako sorry talaga"





Tsk!  Nagsinungaling na naman ako.




Na gi-guilty na talaga ako sa ginagawa ko sa kanya.





"salamat aking reyna ngayon napapanatag na akong okay na tayo, na hindi kana bad mood ang saya ko"





Napangiti ako sa sinabi niya. Ang amo ng mukha niya na parang lahat ng babae magkakagusto sa kanya. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya.





"Aking reyna maghihintay ako sa sagot mo" dagdag niya.





Natigilan ako.




Nawala ang ngiti ng maalala ko ang sinabi niya nung araw na yun. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko o tugon ko.





"Alam kong naguguluhan ka pero alam mo aking reyna patuloy akong kumakapit sa isang pursyentong chansa na pumayag ka" ani ni Rowan habang nakangiti sa akin.






Napayuko ako at pumikit ng mariin. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Di ko alam kung bakit nagkakaganito ang puso ko sa tuwing may sinasabi siya. Di pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Pero sa totoo lang ang swerte ko dahil siya lang ata ang lalaking di sumusuko.






Pero makakapaghinatay kaya siya?






Gulong-gulo na talaga ako.





"Aking reyna umupo ka muna doon wag mo munang isipin ang sinabi ko training pa kasi kami" usal niya.





Dahan dahan kong itinaas ang aking tingin sa kanya. Ganon parin nakangiti parin siya sa akin. May kirot sa aking puso dahil baka masaktan ko siya at yun ang kinatakot ko.




"Rowan wag kang mag-alala ikaw naman may pupuntahan pa kasi ako sige puntahan mo na sila"






Hindi siya umimik at nawala ang ngiti niya. Napabuntong hininga siya damang dama ko ang pagkadismaya niya.







"Sige aking reyna mag-ingat ka kapag gagabihin ka etxt mo si Carla para di na mag-alala yun"




Tanging tango lang ang naging tugon ko. Nagpaalam siya para sumali na sa training. Bago ako tumalikod sinulyapan ko siya nakita ko siyang kumaway at nakangiti.




Bakit ba siya ganyan?





Lagi siyang nakangiti pero ang lungkot naman ng mata niya.





Umalis na ako sa oval at agad nagtungo sa labas ng gate. Sakto ding may taxing tumigil sa tapat nito. Pumasok agad ako sa loob.



"San po tayo ma'am?" tanong ng kuya driver.


"Sa St. Therese Hospital po"

Doon kasi nakaconfine si Nate ngayon. Sabi ko sa kanya na hindi ko siya iiwan at mananatili akong nasa tabi niya.



Nagbayad ako kay Kuya Driver bago bumababa ng taxi. Agad akong pumasok sa Hospital.




Pagdating ko sa silid kong nasaan siya naroroon, pumasok agad ako. Bumungad sa akin si Tita Sam na Mom ni Nate. Pansamantala siyang nagbabantay kay Nate ngayon.




"Iha wala kabang gagawin sa mga oras nato halos araw araw kana kasing nandito" ani ni Tita Sam na nakangiti pa.





"Opo kasi baka mapagod ho kayo magpahinga muna kayo Tita kasi ang lalim na ng mga nata mo stress na stress kana po ako muna magbabantay kay nate"




Napabuntong hininga siya at sinulayapan si Nate na ngayon natutulog sa higaan niya. Tumayo si Tita sam at lumipat sa mahabang upuan na nasa gilid.





"Iha salamat talaga na nandito ka si Holly kasi may training pa diba? Kaya mamaya pa yun iidlip mo na ako doon sa kabilang silid sumasakit kasi ulo ko hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan"



Tumabi ako sa kanya.





"Kaibigan po ako ng anak niyo kaya nag-alala din ako sa kanya Tita sana magiging okay siya Tita" at bumaling ng tingin kay Nate.




Hinawakan ni Tita sam ang aking kanang kamay at bahagyang pinisil iyon.





"Iha may possibility na ilipat siya sa ibang bansa Stage four na, kanina suka siya ng suka hindi na siya halos kumakain kasi hindi na tumatanggap ng pagkain ang tiyan niya masyado na kasing malaki ang polyps sa intestine niya He undergo chemotheraphy awhile ago then treatment naawa ako sa anak ko iha"





Hindi ko mapigilang yakapin si Tita Sam. Hinagod ko ang kanyang likod. Nahihirapan si Nate at nahihirapan din ang mga magulang niya.





"Tita may diyos po kung operation ang kailangan sa sakit niya subukan po maniwala lang ho tayong gagaling siya"




Humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Tita Sam.




"Sana naging girlfriend ka nalang ng anak ko, hundred percent iha magugustuhan ka namin ng asawa ko,  ang bait mong bata" natawa siya.




Nagulat ako sa sinabi ni Tita Sam.






Biglang lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa narinig ko.







Teka? Ano bato?






















Bumabagabag parin sa akin kung ano ang nararamdaman ko.
------------
Don't Forget to Vote!

Much Love Readers <3

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now