RtB-Forty Six

331 10 3
                                    

#RtBGame
---------

Halos magbunyi ang buong Lhumiree nang halos lahat ng team ay panalo sa finals.  Pero ngayon ulit ang laban ng Team namin sa Team ng Alumiere. Ilang buwan din simula ng lumipat ako dito sa Lhumiree ngayon lang ulit kami nagkita.

"Captain! E cheer mo kami!" ani ni Minerva na kasamahan namin dati.

Mukhang nadagdagan na sila ng members ah.

"Hindi tayo e che-cheer niyan may team sila Min" ani ni Selena na nakasimangot.

"matampuhin ka parin selena lalo ka tuloy'ng tumanda" tumawa ako.

Bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit. Pati ang ibang kasamahan namin maliban nalang sa mga bago na nakangiting nakatingin sa amin.

"Waaah Namiss ka talaga namin Captain!"

"Oo nga! Hindi ka man lang bumisita sa Alumiere tapos di pa namin alam number mo di ka tuloy macontact!"

"Girls tama na yan ako muna ha"

Biglang humiwalay ang iba at si Selena nakayakap parin sa akin.

"Mama namiss kita"

Binatukan ko siya.

"wala akong anak na panget" tumawa ako pati kasamahan ko dati nagsitawanan.

"Grabe ka naman ang ganda ko kaya mana sayo eh.. Pero totoo miss na miss na kita" ani ni Selena inamoy niya pa ang damit ko. Baliw talaga.

"Bebe Girrrlllllll!" napatingin naman ako sa sumigaw.

"Tsk! Ayan na naman yung unggoy" bulong ni Selena.

"Hi babe! Namiss mo ko?" kumindat siya kay selena at tumawa.

"Hoi! Kapal mo ah! Hindi kita type no ASA!" inirapan ni Selena si Cy.

"Teka Captain..kaano-ano mo si Cypress? Magkapareho kasi kayo ng Last name" Mavie interupted.

"alam niyo girls pinsan lang naman ako ng magandang si Olivia! Kaya nga gwapo ako diba babe?" bumaling siya kay Selena na nakataas ang kilay.

"Sorry talaga sissyloves I hate that monkey boy!" ani ni Selena.

Nagtawanan nalang kami habang nagbabangayan silang dalawa.

"Guys enough! Kayong dalawa baka sa altar magtatapos yan ah" humagalpak ako ng tawa at ganon ang kasamahan ko dati. Napuno tuloy ng asaran.

"Hala Punta na tayo sa Court 20 mins nalang oh" ani ni Lily.

Nagpaalam na sila kasama si Cy. Lage nalang nakabuntot kay Selena ang kumag. Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa na nagbabangayan.

Ilang minuto nalang magsisimula na ang laro. Nandoon parin ako katabi si Rowan. Palagi nalang kaming walang imikan.

Nagsimula na ang laro, okay naman ang game nila. Gusto ko sanang tumalon-talon dahil sa excitement kaso....si Rowan ang katabi ko nakakahiyang gawin yun.

Ang ingay ng court ngayon, napuno ito ng sigawan. Di ko rin natanong kung kailan ang final game nila Rowan. Wala akong paki. Kahapon lang nanalo sila Vinz sa baskteball laban sa Alumiere. Hopefully, manalo din sila Holly ngayon.

Go! Lynx!

Go Selena!

Go Lady Griffins!

Omg! Holly block! Block!

Go lebero number 10!

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanila naglalaro. Kung sino man ang mananalo sa kanila, they deserve it! Pareho silang magaling maglaro at nakakaexcite pa.

*eeennnkk!

Lynx Win.

Halos bagsak ang balikat nilang lahat pabalik sa bleacher. Nakakalungkot mang isipin pero ganyan talaga ang laro. May mananalo may natatalo katulad lang din sa love. May nananalo may natatalo..at ako yung talo. Tsk.

"okay lang yan Griffins I'm proud of you! Ginawa niyo lahat-lahat!" masiglang sabi ni Couch.

"Talo kami couch sorry" bulong ni Holly.

"Holly ganyan talaga just accept it. Manalo matalo hindi ibig sabihin na hindi kayo magaling,  magagaling kayo kaya wag na kayong malungkot" ngumiti si Couch.

"Tama si Couch sa susunod mas lalo niyo pang gagalingan!" I interupted.

"Ok lang yun! Basta bukas Captain Rowan ah bumawi kayo dapat manalo kayo bukas!" ani ni Angel.

Napatingin naman ako kay Rowan na nakatingin din pala sa akin. Bukas pala ang laro nila?.

"Babawi kami bukas" tugon niya.

"Olivia salamat talaga" ani ni Couch.

"couch wala naman akong ginawa eh nakatunganga nga lang ako dito"

"Olivia atleast nanood ka akala ko nga di ka manonood eh" ani ni Holly.

"manonood ako no! Kayo pa!  Pero okay lang yan! Kayo parin panalo para sa akin!" ngumiti ako sa kanila.

Nagpaalam agad ako sa kanila at kinuha ang phone ko sa bulsa para etxt si Carla.  Pero wala akong reply na natanggap. Tinawagan ko siya kaso hindi rin sinagot.

*ringgg ringgg ringgg

Hello ma napatawag ka?

Baby I just want to ask you about tomorrow?

Simple dinner will do

Okay baby As you wish I love you dear.

Love you too ma

Sabi ng dad mo na magboyfriend kana daw hahaha you're turning 20 tomorrow.

Pakisabi sa kanya na gusto kong magmadre hahaha

Kung matutuloy yan sige na I'll hung up the phone just take good care sweety.

Napatitig nalang ako sa phone screen. Anong ibig sabihin ni mama kung matutuloy daw?. Akala niya naman ata tutuhanin ko ang sinabi ko. Hays.. Erase-erase! Wala ka pa ngang boyfriend nagiisip kana ng ganyan Olivia. Wag kang magmadali.

Its my special day tomorrow still...

























Not enough for me to be happy..
-------
Don't Forget to Vote!

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now