RtB-Seventeen

462 12 0
                                    

#RtBbebeboy
---------

Nakasubsob ang mukha ko sa unan ngayon. Kanina-kanina lang umalis si Carla dahil may gagawin daw sila ngayon importanteng importante daw. Hay naku! Lage nalang busy ang pinsan ko. Masaya naman siya sa ginagawa niya at pangarap niya ding maka perform sa isang theatre kaya nagpupusiging makasali.





Kanina pa ako paikot ikot sa kama hindi ko maintindihan ang gagawin ko. Ang boring naman kasi tuwing weekends.








Sana kong hindi ako nag quit sa LG (Lady Griffins) masaya sana. Kaso nga lang nandoon yung lintang si Holly kaya nag give  way nalang ako para sa ikatatahimik ng kaluluwa ko.







Si Vinz nagkikita nga kami every first subject kaso mukhang busy din sila sa project with Kyla. Paanong naging magkasama silang dalawa sa pagkakaalam ko graduating si Kyla tapos si Vinz isang semester nalang ang kulang. Hays.. Ewan ko sa kanila basta masaya naman ata si Vinz with kyla kaya push na nila at bagay din silang dalawa.








Hay Olivia puro ka Loveteam eh wala ka nga kahit na isa.






Meron sana kaso may gusto siyang iba!






Saklap ng lovelife mo Olivia! Hahaha








Manahimik ka! Isaksak ko sa bunganga mo ang human size teady bear ko.






Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kisame. Busy lahat ng tao ngayon ako lang mag-isang nakatunganga dito sa kwarto.



Napabalikwas ako ng tumunog ang phone ko.





Shit!





Ang sakit sa tenga malapit lang pala sa tenga ko ang phone ko.






Naiinis na dinampot ko iyon. Sino ba kasi ang tumatawag ang aga -aga ngayon. My geedd! 9 am palang tsk.




Maaga daw?






Huh? Unknown Number?





Wala akong choice kundi sagutin baka importante to. Hindi pa naman ako interesado sa hindi ko kilala.






Hello who is this?

Hello bebe girl!

Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa screen. Teka parang si...

Bebe Girl  kakauwi ko lang galing Canada lilipat ako ng school alam kong curious ka bebe girl..


Cypress Night Dela Fuerte bakit ngayon mo lang sinabi bwisit ka pasalubong ko!



Takte ang gwapo kong pinsan. Omg! Alam kong may pasulobong siya sa akin.




Bebe Girl wala akong pasulobong sayo wala ako-

Kuripot! Bwisit ang kuripot mo Cy! Gumastos ka naman minsan!

Gumastos na ako bebe girl malaki ang bayad pauwi bebe girl hahahaha inis ka na niyan.

Teka alam ba ni Carla ang pag-uwi mo?

Hindi.. Ayukong malaman niya no muubos pera ko kapag kasama ko siya tapos dagdag kapa wag nalang. Hahaha

Ang sama mo!

Singhal ko sa kanya. Tapos tumawa lang siya. Nakakainis talaga siya kung hindi ko siya pinsan kanina ko pa yun nilunod nakakainis. Ang kuripot niya saan ba siya nagmana hmp.

Tita Ela told me na wala ka sa house? Nasa condo ka nila Carla tell me the exact location bebe girl I'll be there for a minute..

Wow nasaan kana anong for a minute ka jan! Ano ka si superman?

Nope si Super flash! Hahaha bilis na kasi ang boring dito sa bahay eh..

Ay!  Sakto din I'm bored na rin dito wala pa akong almusal kasi kakagising ko lang din. May naiisip ako.

Ahm..Cy La libertad Beunovista Building alam mo na ata kong saan diba?..

Hindi ko alam yan nakalimutan ko na ata ang lugar natin tsk.

Sa  Cutielay Coffee shop kung saan tayo nagpupunta dati impossibleng makalimutan mo yun?

Okay bebe girl copy cut! Sure sure yeaw y-



Baliw!  Sige na bye.


Binabaan ko na siya agad. Bumangon ako at kinuha ang tuwalya malapit sa pintuan ng banyo. Nagmadali akong pumasok sa banyo at naligo.




Bakit kaya lilipat ng School si Cy,  baka napagtripan na naman si Tita Sam kaya sinipa papuntang pinas si Cy.




Pinsan ko siya sa side ni Dad kapatid niya si Tito Edward na ama ni Cy.



Mamaya tatadtadin ko yun ng tanong. Ano na naman ang ginawa niya alam kong bad boy yung pinsan ko pero mabait naman yun. Nag-iisang anak lang din siya nila Tita Sam kaya ata magkasundo kami nun.




Pagkatapos kong naligo nagbihis agad ako. Biglang tumunog ang sikmura ko. Gutom na ako kailangan ko ng bilisan.







Pagkalabas ko sa building hinanap ko ang sasakyan ko. Ngayon lang ata mapakikinabangan ang sasakyan ko. Pumasok na ako ang pinaandar ito.







Paano nalaman ni Cy ang number ko. Daah baka nga binigay ni Mom sa kanya o ni Dad.



Nagpark ako at lumabas na.





Pumasok ako sa isang coffee shop na lage naming pinupuntahan dati High School pa kami. Lumipat lang kasi sila sa Canada kasi may aayusin daw ang family doon importante lang daw at kasama siya doon. Ewan ko lang kung ano talaga ang tunay na dahilan.









May bumati sa aking lalaki mukhang nagtatrabaho dito. Malaki ang pinagbago ng coffee shop ngayon lang ako ulit nakabalik dito.








Pinasadahan ko ng tingin ang buong coffee shop at nakita ko agad ang kuripot kong pinsan na ngayon ang lapad ng ngiti ng ugok.






Umupo ako sa harapan niya.






"Hello there bebe boy"

Reason To Believe (Book 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz