Rtb-Twenty Eight

347 12 0
                                    

#RtBconfession
---------

Binati ko ang mga kasamahan ko dati pati na din sila Vinz. Panay asar nila sa akin pero hindi din naman ma gets ng iba. Buong akala nila na, babalik ako sa team pero di na talaga magbabago ang desisyon ko. Mas mabuti na rin yun para wala ng gulo diba?  And speaking of Holly nakatingin lang siya sa akin sa malayo hindi ko siya pinansin pati si Nate.




Kung dati may kirot akong naramdaman kapag nakikita ko sila, ngayon parang wala lang sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit basta buo na ang loob ko na papasukin ang lalaking nagbigay halaga talaga sa akin.







At si Rowan yun.





"Hello Olivia looking for your prince?" tanong agad ni Kevin na kasamahan ni Rowan. Nakilala ko sila dahil sila lang naman laging kasama ni Rowan sa cafeteria.



Ngumiti ako at tumango. Hindi ko na itatanggi na Crush ko talaga si Rowan.


"Nandito pala ang Reyna ni Captain mukhang Improving na talaga si Captain ngayon ah!" sarap batukan nitong si Kevin dahil nang-asar pa talaga.



Nagsilapitan naman ang ibang members ng Men's Volleyball Team sa akin at binati ako.


"Ang ganda mo pala lalo kung malapitan ay ako pala si Dex" pakilala niya may kasama pang bola.



Ngumiti lang ako






"Alam mo ba kung bakit nasa malayo lang kami at di makalapit sayo dahil pinagbantaan kami ni Captain na kapag lumapit sayo ay pahihirapan nila kami sa training diba bro? Ganon kalupet si Captain sa amin Olivia" usal ng isang kasamahan niya na naiiyak kuno.


Baliw talaga.



"Ay ako pala si Macky"

"Jeffry...Hans,..."



Kanya-kanya lang silang pakilala at nakipagkamay naman ako sa kanila. Pinaupo nila ako sa bakanteng upuan.




Talagang pinagbantaan niya ang kasamahan niya? Palihim akong napangiti habang iniisip ko yun. Sounds like a possesive boyfriend. Ayss... No hindi ka pa niya girlfriend wag ka ngang umasa!



Ok whatever!




"Ay nanjan na pala ang gwapong captain natin eh!"


Agad naman akong napatingin sa lalaking palapit sa amin. Pero hindi ko masyadong makita dahil nakaharang yung kasamahan niya na parang tinatago nila ako.


"Captain ang bait mo ngayon ah! Himala!"
sabi ni Hans at tumawa sila.


"Gago matagal na akong mabait kayo nga yung tamad kahit simpleng training puro reklamo buti mabait captain niyo kung hindi baka ipatapon ko na kayo sa bermuda triangle" sagot ni Rowan habang natatawa.

Natawa din ako,  akalain mo yun may side din pala siyang ganito. Mag joke?!



"Kaya mahal na mahal ka namin dahil sa kabaitan mo!"

"at dahil mahal ka namin may surprisa kami sayo!"

Nagsitawanan silang lahat at ako parang di alam ang gagawin. Dahil na gets ko na kung bakit nila ako hinahaharangan na parang di nila gusto nila ako gustong ipakita kay Rowan.

"Tumigil nga kayo training to wala akong oras sa surprisa niyo! Gago ikabit niyo na itong Net doon! At di tayo talo mga utol kasi di ako bading!"



Reason To Believe (Book 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora