RtB-Sixteen

474 15 0
                                    

#RtBBoss
---------

Matapos ang performance namin ni Carla nong isang araw natapos na rin ang contest. Kaso nga lang di kami nanalo kasi nagkaproblema ang boses ko.


"Achoooo!" bwisit bakit ba ako sinipon ano bang nakain o nainom ko nong nakaraang araw.


Nasaan naba si Carla.


Matapos ko siyang tulungan iiwan nalang ako mag-isa dito sa cafeteria. Ang dami dami ko ng tissue dito nakakahiya na.




Maraming kumain, may ibang walang paki sa paligid ang iba naman puro tsismis nalang hindi ko masyadong naririnig kasi para akong mabingi ngayon ewan ko kung bakit...baka dahil sa sipon ko.


"Achooooo!" ayuko na! Punas ako ng punas sa ilong ko.



"may sakit ka reyna olivia?" natigil ako sa pagpunas at tumingin sa nagasalita.





Si Jetro at Ken bakit wala si Vinz?




"si Vinz ba hinahanap mo? Magkasama sila ni Kyla may gagawin daw silang project Reyna Olivia" wika ni Ken.



Masyado ata akong halata ngayon.




Umupo sila sa bakanteng upuan ako lang kasi mag-isang kumakain ngayon. Ewan ko kung saan ipinatapon ni Ma'am Reina si Carla ngayon sabi niya pinatawag daw siya ewan ko sa kanya.




"Kumusta na? Matagal na tayong di nagkakasama ah?"




"masyadong busy reyna Olivia eh pero babawi kami this weekend sama ka sa amin?" tanong ni Jetro at kumindat pa.



I rolled my eyes akala niya uubra sa akin yang kindat niya nako never!



"alam mo naman yang si Jetro diba reyna Olivia matinik sa babae kaso nga lang sayo di uubra gasgas na ang style niya kinakakalawang! " usal ni ken tapos tumawa sa harapan ni Jetro.



Si Jetro naman mukhang asar na asar kay Ken.



"umayos ka gago baka upakan kita jan!" pagbabanta ni Jetro.



"sige suntukan ta-"





"kung pag-uumpugin ko kayong dalawa ngayo-Achooooo!"


Sa inis ko kinuha ko lahat ang tissue at ibinaon sa ilong ko bwisit!.




Nakakainis namang buhay to o-oh bakit ngayon pa ako sinipon.


"hahahahaha ang cute mo talaga reyna Olivia" wika ni Jetro tapos tawa ng tawa.





Sinamaan ko siya ng tingin alam ko namang ako yung tinatawanan niya.




"Araayyyy!" daing ni Jetro tapos hinimas himas ang taeng niya.





Piningot ko!  Buti nga!




"pero maiba nga tayo Reyna Olivia kumusta na pala yung Rowan mo? Hihihi.kayo naba?"


Nalaglag panga ko sa tanong ni Ken.



Bakit biglang napunta kay Rowan ang usapan akala ko ba..



And speaking of Rowan na sa may di kalayuan lang siya nakaupo at kasama ang barkada niya.




Sinulyapan ko siya pero nanlaki ang mata ko sa nakita.






Umiwas agad ako ng tingin.





Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now