RtB-Thirty Nine

302 9 2
                                    

#RtBFall
----------

Pagkatapos ng last subject namin ni Carla, umalis na kami sa room at naglakad patungong oval. Dahil doon naman nag ti-training sila Rowan. Ang sabi ng pinsan ko wala daw silang practice sa Theatre ngayon kaya sasamahan niya ako.


Marami akong naririnig tungkol kay Rowan. Hindi ko rin alam ang tungkol sa laro niya. Hindi naman kasi sinabi ni Carla! Kainis. Pero kasalanan ko naman kasi di ko naman nirereplayan si Rowan sa mga txt niya. Ewan ko ba basta alam ko na ang sasabihin ko sa kanya.


Pagdating namin sa Oval agad kong hinanap si Rowan. Di naman siya ganoon kalayo may kasama siyang mga kasamahan niya sa Volleyball Team.

"Olivia? Long time no see?" tanong ni Vinz.

Natawa ako. "Pasensya na talaga Vinz nitong nakaraang araw"


"Reyna Olivia you're back! Waaah!" sigaw ni Jetro akmang yayakap na sana siya pero hinila siya ni Vinz.

"Hello Reyna Olivia" bati sa akin ni Ken.

"Bro naman eh! Namimiss ko na si Reyna Olivia payakap lang saglit hihihi" ani ni Jetro at nag peace sign pa.



"Hindi ka pweding yumakap gusto mo bang mabasag ang bungo mo?" tanong ni Vinz na dahilan na kumunot ang noo ko.


"Vinz! Hindi ako takot sa kanya at paano niya babasagin ang bungo ko hindi naman niya pagmamay-ari si Reyna Olivia at may ka fling na-xcscsfsgcdxxv" hindi natapos ang pagsasalita ni Jetro dahil tinakpan ni Vinz ang bibig niya.


"Teka nga anong sabi mo Jet?" nagtataka lang ako. Bakit parang masama ang kutob ko sa mga sinasabi nila.




"Ahm.. Olivia diba si Rowan ang pinuntahan mo dito sige na puntahan mo na siya" ani ni Vinz na nakangiti sa akin.


Ang weird naman niya.


"Ok" tipid kong sagot.



Sinulyapan ko ang mga kasamahan ko dati. Nakita ko sila na kumakaway at ngumiti sa akin kasama na si Holly doon. Sa tingin ko alam na rin nila na magkaibigan kami ni Holly. No hard feelings na. I'm happy for that.



Tahimik lang si Carla sa tabi ko. Hindi ako sanay na ganyan siya.


Huminto ako at ganoon din si Carla.


Nakita ako ng ibang kasamahan ni Rowan pero hindi ko sila napansin. Talagang nakapako lang ang mga mata ko kay Rowan at sa kasama niyang babae.

"Ahm.. Babyloves sa tingin ko mag-ice cream nalang tayo ngayon tapos gala tayo sa EK. Two hours lang naman byahe papunta doon tara na!" hinawakan ni Carla ang kanang braso ko pero hindi ako gumagalaw.



May lumapit sa aming kasamahan niya pero hindi ko man lang nabigyan ng oras para sulyapan. Bakit ganito ang nararamdaman ko?. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.



"Hi Olivia" bati nila. Narinig ko naman pero hindi ko pinansin.


"Boys sino yang babaeng kasama ni Rowan? Girlfriend niya ba?" tanong ni Carla.


Parang sinaksak ang puso ko sa tanong ni Carla. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ayukong maramdaman ito ulit. Ayuko! Masyadong masakit!


"Carla EK nalang tayo" bulong ko.



"Olivia sama kami?" tanong ng dalawang kasamahan ni Rowan.

Kumunot naman ang noo ko.



"Trust me prinsesa! Basta sama kami!" sigaw ng isa.


Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now