RtB-Forty Three

287 9 1
                                    

#RtBPain
-----

Hindi ako umiimik sa usapan nila ni Carla at Holly. Nakatalikod kasi si Carla at alam ko ring nakita ni Holly si Rowan kasama si Lalaine.

"Excuse me" tumayo agad ako at nagtungo sa CR.

Hindi ko kinaya ang nakikita ko. Napatingin ako sa malaking salamin. Buti nalang walang tao. Di ko mapigilang di maiyak dahil sa sakit. Agad ko naman itong pinunasan at huminga ako ng malalim.

Olivia you need to be strong.. Yes! Tama. Wag ka ngang umiyak. Nasaan na yung Olivia na palaban at walang inuurungan.

Nagtatawanan sila at may pa palo palo pa si Lalaine kay Rowan. May pabulong-bulong pa sila. Hays. Hanggang tingin nalang ako. Kasalanan ko naman ata eh kung bakit ang tagal kong tinaggap si Rowan sa puso ko. Binuksan ko na nga tsaka pa siya nawala.

Nawala sa tabi ko..

Inayos ko ang aking sarili at tuluyan ng lumabas.

"Oh Olivia nandito karin pala?" napatingin ako kung sino..

Its Lalaine kasama niya si Rowan. Nakapulupot pa ang braso ni Lalaine sa braso ni Rowan.

I look straight to them.

"Excuse me" nilagpasan ko sila at binilisan ko ang paglalakad. Lumabas ako sa restaurant at agarang pumara ng Taxi.

Wala akong pakialam sa ngayon. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong ibuhos ang hinanakit sa puso ko.

"Ma'am saan po tayo?" tanong ni manong.

"Sa Fertig Mountains ho" halos pabulong kong tugon.

Tumingin ako sa labas at kumuwala na ang mga luha ko. Hinayaan ko kang itong kumuwala.

"Ma'am wag na ho kayong umiyak, kung ano po ang problema mo alam kong may dahilan ang diyos kaya stay strong po Ma'am"

Tipid akong ngumiti kay manong. Naniniwala naman akong may dahilan ang lahat kaya nangyayari ito. Pinunasan ko ang mga luha ko at sumandal sa backrest na upuan.

Napabuga ako ng hangin at pumikit.

"magiging ok din ang lahat.. pati puso ko" bulong ko.

Dalawang oras ang byahe at nakarating din kami sa Fertig Mountains kung saan kami nagpupunta ni Vinz kapag may problema kami. Alam kong okay na rin si Vinz ngayon with Kyla.

"Bayad po manang salamat po sa paghatid mo" lumabas na ako bago pa siya makapagreklamo. Sobra ang binayad ko dahil safe akong nakarating dito.

Humakbang ako sa hagdanan papunta sa itaas. Nalalanghap ko ang sariwang hangin ngayon. Kaunti lang ang pumupunta dito dahil hindi naman ito kilala ng iba. Ang ganda kasi ng view dito parang makakalimutan mo lahat ng problema mo.

Umupo ako sa malaking bato at hinayaan kong tumulo ang luha ko.

Huli na talaga para sabihin kay Rowan ang totoong nararamdaman ko. Kung sumuko na siya sa akin ano pang dahilan para ipagpatuloy pa ito. Kailangan ko ng mag move on dahil ayuko ng maulit ang naramdaman ko noon. Ayuko ng bumalik sa dati ayuko na. Sa susunod hahayaan ko ng makapasok ang taong totoong nagmamahal sa akin. Just give it a try Olivia. Yes! Oo tama tama.

"Excuse me miss?" napalingon ako sa likuran kong sinong nagsalita.

Isang lalaking naka eye glasses at may inabot siya na puting panyo sa akin. Sino naman to?

"Wipe your tears miss hindi nababagay sayong umiiyak you look like an angel miss kaya ito I offer you this"

Tinanggap ko ang panyo na binigay niya at nagpunas ako ng luha. Nakakahiya naman sa kanya. Sobra akong nahiya. Akala ko ako lang ang nandito meron pa palang iba.

Reason To Believe (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon