4th Step

290 24 39
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


One Last Step

4th Step



Jimin's POV:


Hay...

Kinikilig talaga ako ngayon habang nakatingin sa watermelon na ibinigay sa akin ng Cheska ko kahapon. Yihee. Napanalunan ito ng Cheska ko nang manalo sya sa isang promo na sinalihan nya sa isang malapit na convenience store sa amin.

Hay...sa tuwing naalala ko kung paano nya ibinigay sa akin ang watermelon na ito ay naiiyak nalang ako sa tuwa.

"Kainin mo 'to para lumaki ka, pandak" ang naalala ko pang sweet na sweet na sabi nya.

Grabe talaga ang Cheska ko.

Minsan naiiyak nalang ako sa sobrang ka-sweetan nya.

Agad-agad kong inilabas ang cellphone ko at kinikilig na pinicturan pa ito habang nakangiti ng malaki. Bigay 'to ng sugarcoatedicecreamcakevanillapie baby ko noh kaya dapat lang na may picture ito sa akin! Kahit na napanalunan nya lang ang watermelon na ito ay nanggaling parin ito sa kanya!

Kumuha ako ng fifty shots bago ko ito itinigil at nakangiti pa ng malaki na tinignan ang mga ito.

Saka ako naghanap ng pinakamagandang kuha ko at ini-set ko itong profile picture ng official twitter account ng Bangtan sa twitter. Aish, sigurado akong magtataka ang mga fans namin pero gusto ko lang ipagmayabang sa buong mundo ang watermelon na bigay ng Cheska baby ko! Wala na akong pakialam sa iisipin nila basta makita lang nila ang watermelon na ito!

At sino ang nagsabing hindi ako mahal ng Cheska ko ha?! Huh! Sinong nagsabi at ibabato ko sa mukha nya ang watermelon na bigay ng Cheska ko?! Hah! Binigyan nga nya ako ng watermelon galing sa isang promo eh! Mahal ako ng Cheska ko noh! Oo! Alam ko yun!

Nati-teary eyed lang ako habang nakatingin sa watermelon na nasa harapan ko.

Pakiramdam ko ay ang watermelon na ito ang pinakamagandang natanggap kong regalo sa tanang buhay ko. Aish jinja, naiiyak talaga ako.

"Hay..." ang hinga ko ng malalim saka nakangiting tinitigan ito. "Ikaw na ang pinaka-importanteng bagay na mayroon ako dahil bigay ka sa akin ng Cheska ko. Wag kang mag-alala, hinding-hindi kita kakainin! Itatago kita ng maayos sa kwarto ko at aalagaan kita forever!"

Saka ko ito binuhat at nagpalinga-linga sa paligid.

Hmm...saan kaya magandang itago ito?

Ah! Itatago ko muna ito sa ref na mayroon kami sa dorm para hindi sya masira kaagad! Tama!

Kaya excited na excited ko itong binuhat at ipinasok sa ref na mayroon kami sa kusina. At nang maipasok ko ito ay nakangiti akong nagsalita.

"Sige Mr. Watermelon, hahanapan muna kita ng mas magandang lugar kung saan kita maitatago ng maayos. Bye!"

One Last Step [Jimin/ChesMin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon