17th

172 23 21
                                    

One Last Step
17th Step

One Last Step17th Step

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Daejung's POV

"Oh, Daejung?" ang takang sambit niya ng pangalan ko nang magkita kami sa harapan ng school. "Bakit mo ba ako pinatawag dito ha?"

Nilingon ko naman siya mula sa pagkakasandal sa naroong gate bago ako nakangiting nagsalita.

"Guess what?" Ang excited kong tanong.

Her blank eyes just looked at me.

"What?"

Mabilis kong inilabas ang letter na nasa kamay ko na nanggaling pa sa Dean at excited na ipinakita iyon sa kanya.

"Someone pleaded for you to comeback into our department and the dean had just approved it! Welcome back to the medicine school, Cheska Dee!" Ang sobrang excited na sigaw ko.

Alam kong nakakabading na sobrang natutuwa ako sa pagpapabalik sa kanya ng dean sa school namin pero hindi ko lang mapigilan.

I mean, babalik na sa tabi ko ang babaing mahal ko.

Tinignan naman niya ang papel na hawak ko bago niya ito kinuha mula sa akin. Saka niya ito itinaas at binasa ang nilalaman.

"Someone?" She whispered.

Tama.

Now that she had mentioned ay hindi ko nga pala natanong ang Dean kung sino ang humingi sa kanya ng pabor na pabalikin sa department namin si Cheska. But knowing the fame of Cheska Dee as one of the academic monsters in our University ay hindi na ako nabigla sa bagay na ito. Maybe it is one of her fans who pleaded for her to comeback.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatitig lang siya sa papel na hawak na para bang wala lang sa kanya ang magandang balitang ito. At nang makita ko iyon ay hindi ko na nga napigilang maasar.

"Aish, yah." Ang asar na sambit ko. "Hindi ba dapat ay maging masaya ka na makakabalik ka na sa department natin? Sa wakas, maitutuloy mo na ang pangarap mo na maging isang doktor!"

"Daejung," she suddenly whispered for my name and that stunned me.

"Ha?"

Nagtaas siya ng mukha at katulad ng mga nakalipas na linggo kung kailan ay naamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya ay naramdaman ko na naman ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko.

"Thank you." She whispered while her blank eyes continued to stare at me.

At sa mga oras na ito ay pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Hindi lang ako sanay na nagpapasalamat sa akin ang babaing ito kaya nababaguhan ako sa pagtrato niya itong sa akin.

Yumuko siya habang hawak parin ang papel na nasa kamay bago siya nagsalita ulit.

"Gusto ko lang magpasalamat sa'yo sa lahat ng nagawa mo," she whispered while looking down on her feet. "Simula pagkabata ay wala na akong inisip pa kundi ang manguna sa lahat. Not knowing that in the process of that, I had became insensitive."

One Last Step [Jimin/ChesMin]Where stories live. Discover now