14th

149 28 11
                                    

One Last Step
14th Step

One Last Step14th Step

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Cheska POV:

Mag-isa akong nakatayo ngayon sa gitna ng classroom habang isa-isa kong ini-empake ang lahat ng gamit ko.

Today is the day that my expulsion from the department takes effect so I need to pack up my things and leave.

Naririnig ko parin ang mga bulong-bulungan sa paligid pero wala na akong pakialam doon.

The only thing that is bugging my mind right now is how to tell this to my parents. They will certainly kill me or worse, abandon me.

Napahinga nalang ako ng malalim saka ko binuhat na ang malaking kahon kung saan nakalagay ang mga aklat ko. Matapos iyon ay naglakad ako palabas ng classroom habang sinusundan parin ako ng tingin ng lahat ng schoolmates namin.

The news that I got expelled for illegally practicing spread around like a wildfire. Pero wala na akong pakialam. Jimin being alive is all that matters to me.

Nang makarating ako sa labas ng department ay tuloy-tuloy na akong naglakad hanggang sa labas ng gate. At nang makarating ako doon ay tumayo muna ako para mag-abang ng masasakyan na taxi.

"Cheska!"

Bigla akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses na iyon.

Si Daejung.

Hinihingal pa siyang humarap sa akin bago siya nagsalita.

"W-well, m-mas mabuting m-mawala ka na sa department para ako na ang m-manguna sa l-lahat!" ang pikit-mata pa niyang sigaw sa harapan ko. "C-cheska D-dee, you heartless stupid girl! I will definitely beat you!"

Hindi ko mapigilang mapangiti ng payak nang dahil sa sinabi niya. At hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba ang nakita kong bahagyang pamumula ng mukha niya nang titigan ko siya.

"Goodbye Daejung." Ang mahinang sambit ko.

Saka ako tumalikod at maglalakad na sana paalis pero may sinabi pa siya.

"C-cheska..."

Nilingon ko naman siya pero hindi ako nagsalita.

At ngayon ko ay kitang-kita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi niya habang nakatingin sa akin. Wait, is he having a fever?

Pero nag-iwas lang siya ng tingin bago nagsalita ulit.

"C-can I still see you?"

Napakurap ako mula sa kinatatayuan ko nang dahil sa tanong niya. Pero ano naman ang dahilan at gusto niya akong makita?

"W-well..." ang hindi parin niya makatingin na sambit. "...kailangan k-kong malaman kung hanggang saan ka na sa pag-aaral mo! I need to plan for my next move in order to beat you!"

One Last Step [Jimin/ChesMin]Where stories live. Discover now