5th Step

315 28 40
                                    

One Last Step

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

One Last Step

5th Step




Jimin's POV:


"Ang pangit mo"

Grabe.

Yun ba ang tamang unang sabihin mo kapag nakita mong nalulungkot at umiiyak ang boyfriend mo ha? Aish this girl, jinja. Sya lang talaga ang babaing kilala ko na kayang tawagin na 'pangit' ang boyfriend nya.

Pero bakit ganun?

Bakit sobrang ganda parin nya sa paningin ko kahit na tinawag nya akong pangit?

At nang makita ko sya ay hindi na nga ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na akong umiiyak na tumakbo papunta sa kanya.

"WAAAAAAHHH! CHESKA KO!!!"

Pero bago pa man ako makalapit ay bigla nalang nyang iniharang ang palad nya sa mukha ko.

"Wag kang lalapit" ang blangkong sabi nya. "Baka matuluan ako ng sipon mo"

"Cheska ko naman eh!" ang iyak ko parin.

Isang blangkong tingin lang ang ibinigay nya sa akin.

"Sit" ang walang emosyon na utos nya.

Mabilis naman akong naupo.

"Roll"

Nagpagulong-gulong naman ako sa sahig.

"Play dead"

Nagtataka naman akong napaisip.

"Play dead---" pero doon ko lang na-realize kung ano ang ginagawa nya sa akin. "YAH! MUKHA BA AKONG ASO SAYO HA?!"

"Oo" ang walang gatol na sagot nya. "Kamukha mo si Chimchim"

Hindi naman ako makapaniwalang napatingin nalang sa kanya.

"Aba't---YAH!"

Grabe.

Girlfriend ko ba talaga sya sa lagay na ito ha? At ginagawa nya pa akong aso?

Aish this girl! Jinja!

At nagtataka siguro kayo kung sino si Chimchim. Si Chimchim lang naman ang puting aso na napulot nya one year ago sa isang kalye na naisipan nyang ipangalan mula sa akin.

Oo, sya lang ang kilala kong kaisa-isang babae na kayang ipangalan ang boyfriend nya sa isang aso na napulot nya lang sa kalye.

Nakita kong hinawakan nya ang baba nya at parang nag-iisip na nagsalita.

"Pero in the second thought, mas cute si Chimchim" ang dagdag nya pa sa sobrang inis ko.

"YAH!" ang asar ko namang sigaw sa harapan nya. "Paano mo nagagawa sa akin 'to ha---"

One Last Step [Jimin/ChesMin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon