16th

152 24 14
                                    

One Last Step
16th Step

"Saan mo na naman ba ako dadalhin ha?! Hindi mo ba alam na kidnapping ito?!" ang naisigaw ko saka ko siya nilingon sa loob ng taxi kung saan niya ako sapilitang ipinasok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Saan mo na naman ba ako dadalhin ha?! Hindi mo ba alam na kidnapping ito?!" ang naisigaw ko saka ko siya nilingon sa loob ng taxi kung saan niya ako sapilitang ipinasok.

Wala kaming activity ng mga hyung ngayon kaya nagpapahinga lang ako sa loob ng dorm. Pero hindi pa man nakakalahati ang araw ng pahinga ko ay bigla na namang dumating ang babaing ito at sapilitan akong hinila palabas.

This can be charge as kidnapping! Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit wala man lang sinasabi ang mga hyung tungkol dito! Nakakaasar!

Hindi siya sumagot at nilingon nalang niya ang driver na nasa harapan naming dalawa.

"Sa Jeoudong Street po." Ang walang emosyong niyang sabi.

"Yah! Nakikinig ka ba sa akin ha?!" ang sigaw ko sa kanya.

Ngayon ay magkatabi kami sa backseat.

Nilingon naman ako ng blangkong mga mata niya at katulad ng dati ay hindi ko mapigilang manginig sa takot. Eh nakakatakot talaga ang babaing ito eh!

"Magdi-date tayo." Ang walang emosyon niyang sambit.

Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.

"Nababaliw ka na ba?!" Ang naisigaw ko. "Ang date ay ginagawa lang ng mag-boyfriend! Hindi kita girlfriend para i-date ko!"

Pero lumingon lang siya sa labas at parang walang pakialam na nagsalita ulit.

"Ang ganda ng tanawin." Ang walang emosyon niyang sambit.

"Yah! Nakikinig ka ba talaga sa akin ha?!" ang nasigaw ko pa. "I get it na sasaeng kita pero hindi tama na kinikidnap mo ako kung kailan mo man gustuhin! Hindi tama ito! Kung gusto mong makipag-date ay dapat ang boyfriend mo ang hinihila mo at hindi ako!"

Lumingon naman siya sa akin at nabigla pa ako nang paluin niya ang ulo ko.

"Yah!"

"Pabo." She said.

Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sobrang asar. What did she just said? Did she just called me, the mighty Jimin an idiot?!

"What?" ang hindi ko makapaniwalang sambit sa kanya. "You wanna die?!"

Pero katulad kanina ay nilingon niya ulit ang driver at nagsalita.

"Pakibilisan po."

Ilang minuto pa nga ay biglang tumigil ang  taxi sa harapan ng restaurant na nasa harapan namin. Nauna siyang lumabas pero nanatili lang akong nakaupo mula sa kinauupuan ko.

At sa paglabas niya ay nilingon niya ako gamit ang nakakatakot na tingin niya na iyon.

"Labas." Ang walang emosyon niyang utos sa akin.

One Last Step [Jimin/ChesMin]Where stories live. Discover now