9th

145 16 24
                                    

One Last Step
9th Step

One Last Step9th Step

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.







Jimin's POV

Hay, ang saya-saya ko talaga ngayong araw na ito.

Ngayon na kasi ang second anniversary namin ng Cheska ko. Grabe, hindi ko na namamalayan ang bilis ng oras. Hays, excited na akong makita ang Cheska ko sa gabing ito. Siguradong maso-sorpresa sya sa gagawin ko! Tehehehe~

Pakanta-kanta pa akong sumakay ng kotse ko habang bitbit ang malaking bouquet na binili ko pa sa isang mamahaling flower shop sa Seoul.

At nang makasakay ako ay agad ko ng pinaharurot ng takbo ang kotse ko papunta ng bahay nila.

Aish, that girl. Niyayaya ko syang lumabas ngayong gabi para makapag-celebrate kaming pareho pero katulad ng dati ay mag-aaral na naman daw sya. Aish.

Pero okay lang.

As long as makakasama ko naman sya ngayong gabi ay okay na sa akin yun! Masaya na akong makita sya sa anniversary namin!

Hmm...pero teka lang.

Ngayon ko lang naalala.

Noong huling anniversary namin ay sa library din kami nag-celebrate nang dahil sa busy din sya sa pag-aaral. At ngayong second anniversary namin ay nag-aaral parin sya. Aish, that girl, jinja. Kailan ba sya matitigil sa pag-aaral ha?

Napahinga nalang ako ng malalim habang nagmamaneho parin sa gitna ng malamig na gabi.

Teka, nakakain na kaya sya? Omo, kawawa naman ang Cheska ko. Di bale na. May dala naman akong cake para sa celebration namin. Pwede nyang kainin to habang nag-aaral. Hehe.

Nang makarating ako sa labas ng bahay nila ay agad ko ng ipinarada ang sasakyan ko sa harapan. Saka ako excited at sobrang saya na binitbit ang mga bouquet at cake na hinanda ko para sa celebration namin.

Hah, humanda ka Cheska Dee! Siguradong masosorpresa ka sa inihanda ko ngayon! Siguradong mamahalin mo na ako kapag nakita mo ang matinding pasabog ko sa gabing ito! Mwahahaha!

Nag-doorbell ako sa gate nila at agad namang bumukas yun.

"Jimin oppa!" ang excited na pagbati sa akin ni Summer nang mabungaran ako.

Si Summer nga pala ang bestfriend slash housemate ng Cheska ko.

"Woowwwww!!!" ang tili nya saka pumalakpak nang makita ang mga bitbit ko.

"Sssshh..." ang pabulong ko naman na pigil sa kanya bago pa man sya makapag-ingay.

Plano ko kasi talagang sorpresahin ang Cheska ko sa mga dala ko.

"Ay, hihi" ang hagikgik naman nya saka nya tinakpan ng hintuturo ang bibig nya. "Sssshhh..."

Binuksan nya ng dahan-dahan ang gate nila para hindi makagawa ng ingay at tahimik naman akong pumasok sa loob. At nang makapasok ako ay nagsenyas sya na nasa loob ng kwarto nya ang Cheska ko.

One Last Step [Jimin/ChesMin]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora