15th

165 21 26
                                    

One Last Step
15th

"Hyung, excited na talaga ako sa dream concert na gaganapin sa Busan!" ang masayang bulalas ko habang nasa daanan na kami papunta ng Busan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





"Hyung, excited na talaga ako sa dream concert na gaganapin sa Busan!" ang masayang bulalas ko habang nasa daanan na kami papunta ng Busan.

Magkakatabi kaming nakaupo sa loob ng van habang nagmamaneho naman ang isa sa mga bagong managers namin.

Nakita kong natutulog na nakaupo si Suga hyung sa unang linya ng upuan ng van habang katabi niya si Jin hyung na naka-headphone at nakapikit din. Katabi naman ni Jin hyung si Rapmon hyung na kasalukuyang nakatingin lang sa labas ng bintana.

Sa harapan ko naman ay nakaupo pareho ang tahimik lang na sina Jungkook at Taehyung.

Pero may isang bagay lang talaga ako na hindi maintindihan sa set-up na ito...

Nagtaas ako ng mukha saka ako naiiyak na napasigaw nalang sa gitna ng van.

"Hyung! Bakit ba natin pinasama ang nakakatakot na babaing ito ha?! At hindi pa kayo nakuntento ha at pinasama niyo din ang sidekick niya?!" ang naiiyak ko ng sigaw.

Oo, sa mga oras na ito ay katabi ko sa upuan ang nakakatakot na babaing ito habang sa kabila naman niya ang kaibigang lalaki na sa tingin ko ay tinawag niyang Daejung kanina.

"Yah Jimin," narinig ko ang antok na boses ni Jin hyung. "Hindi mo ba nakikita na natutulog ang mga hyung mo ha? Bakit ba ang ingay-ingay mo?"

"Eh bakit ba kasi natin pinasama ang babaing ito ha?!"

Saka ko siya nilingon pero napalunok nalang ako ng laway nang makita ko siyang nakatitig na naman sa akin gamit ang walang emosyon na mukha niya.

"Jimin, ayaw mo nun?!" ang biglang paglingon naman sa akin ni Taehyung mula sa harapan ko. "Ayaw mo nun at may sasaeng ka na dala-dala?!"

Pero nang sabihin niya iyon ay pakiramdam ko ay mas naiyak pa ako.

"Bakit niyo ba ako hinahayaan na i-harass ng sasaeng na ito ha?!" ang naiiyak ko na talagang sigaw.

Ang isa pang napapansin ko ay mukhang close nila ang babaing ito dahilan para hindi nila ma-'hindi'-an ang lahat ng hinihingi niya.

"Hyung," ang hindi lumilingong sambit naman ni Jungkook. "Hyung, pwede bang manahimik ka nalang? Natutulog ang tao eh."

Para akong sasabog sa inis nang dahil sa sinabi niya.

"Yah!" ang asar na sigaw ko. "Kayo ang nagdala ng sasaeng na ito sa tabi ko tapos ngayon ay kayo pa ang may ganang magalit?!"

Napalingon ulit ako sa kanya at nakitang nakapikit na siya sa tabi ko na para bang walang nangyayari. At nang makita ko ang nakapikit niyang mukha ay hindi ko mapigilang mapatulala.

May gandang taglay din pala ang nakakatakot na sasaeng ito.

Nagtaas ako ng mukha pero ang sumalubong sa paningin ko ay ang nakakatakot na titig naman ng lalaking katabi niya.

One Last Step [Jimin/ChesMin]Where stories live. Discover now