7th Step

303 27 40
                                    

One Last Step

7th Step

7th Step

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.



Jimin's POV:


"Cheska ko~~mag-date tayo~~~" ang walang kalakas-lakas at naiiyak na pagmamakaawa ko habang nakahiga sa sahig na kaharap nya. "Cheska ko~~~"

Naitatanong nyo siguro kung ano ginagawa ko at nakahiga na ako sa sahig.

Eh paano ba naman?! Halos isang oras na akong nagwawala sa harapan nya na ituloy ang date naming dalawa pero hindi parin nya ako pinapansin mula sa pagbabasa nya ng mga aklat!

At nang mapagod na nga ako ay nahiga nalang ako dito habang hinihintay na pansinin nya.

"Wag kang magulo" ang hindi parin tumitingin na sagot nya habang nagsusulat sa notebook nya. "Nag-aaral ako"

Nasa loob pala kami ngayon ng veranda ng bahay nila at dito ko nga sya sinugod matapos kong magwala sa harapan ng Daejung na iyon. Nakakaasar naman eh! Kung kailan makakapagdate na kaming dalawa ay doon pa susulpot ang gagong iyon! Hindi na tuloy natuloy ang date naming dalawa ng Cheska ko!

"Cheska ko~~" ang parang batang pagtawag ko parin sa kanya habang nakahahiga parin sa tabi nya. "Cheska ko~~~"

"Jimin, umuwi ka na" ang hindi parin nya lumilingong sagot.

Pero doon na ako mabilis na napaupo mula sa sahig at asar na asar na nagwala sa kinauupuan ko. Puta, para akong batang nagta-trantrums sa harapan nya nang dahil lang sa di ko makuha ang gusto ko. Sa Cheska ko lang naman lumalabas ang side ko na ito eh.

"Pero ang sabi mo magdi-date tayo! Ang sabi mo idi-date mo ako!" ang sigaw ko habang nagpapagulong-gulong sa sahig na kaharap nya. "Cheska ko~~!"

"Jimin" ang tawag nya sa akin. "Iniistorbo mo ang pagbabasa ko. Umuwi ka na"

Nang marinig ko yun ay pakiramdam ko ay doon na nagsimulang tumaas ang dugo ko.

Istorbo.

Oo, ini-cancel nya ang date naming dalawa na matagal ko ng inaasam at hinihintay at ngayong kinukulit ko sya para doon ay sasabihin nya lang na iniistorbo ko sya?

Hah.

Is she being too much?

Kaya doon na ako mabilis na napatayo mula sa sahig at asar na asar na sumigaw sa harapan nya.

"Yah! Ganyan ba ang dapat na pagtrato mo sa boyfriend mo ha?!" ang asar na sigaw ko pa.

Pero hindi parin nya ako pinansin dahilan para mas lalong lumala ang inis na nararamdaman ko para sa kanya sa mga oras na ito.

One Last Step [Jimin/ChesMin]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora