12th

202 19 35
                                    

One Last Step
12th Step

One Last Step12th Step

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






Jimin's POV


Ang sakit ng ulo ko.

At pakiramdam ko ay ang bigat din ng pakiramdam ko.

"Jimin-ah, gising na~"

Ramdam ko din ang sakit sa iba't-ibang parte ng katawan ko at dahil doon kaya nahihirapan akong gumalaw.

"Jimin~ gising na~"

Nararamdaman ko din na parang may tumutusok-tusok ng mukha ko at parang may nakayakap sa akin ng mahigpit.

Huh?

Sino kaya to?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa ceiling ang sumalubong sa paningin ko.

Saka ako napatingin sa taong nakayakap sa akin at nakita ko nga ang madramang mukha ni Taehyung na sobrang lapit sa akin.

Ano ang...

Anong nangyari?

Pero nang makita nya ang pagbukas ko ng mga mata ay doon sya bigla nalang nagsisigaw.

"Oh! Oh! Oh!" ang tili nya. "Mga hyung! Gising na sya!!!"

Saka sya biglang yumakap sa akin ulit.

"Sa wakas!!! Gising ka na!!!" ang madrama pang sigaw nya saka umiyak na wala namang luha.

Napalibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa loob ako ng isang malawak na kwarto.

Saka ko naitaas ang kamay ko at nakita kong may nakasasak na dextrose dun.

Teka, nasaan ako?

"N-nasaan ako?" ang nahihirapan ko pang sambit.

At nang marinig yun ay bigla nalang napataas ng mukha si Taehyung na kanina pa nagda-drama at shock na napatingin sa akin.

Saka sya biglang umiyak na naman ng napakalakas.

"MGA HYUNG!!! EOTTOKE?! MAY AMNESIA SI JIMIN!!! AHHHHH!!!"

Sinapak ko naman sya.

"Wala akong amnesia, pabo" ang nanghihina ko pang sambit.

Pero teka lang, paano ba ako napunta dito ha?

Ang naalala ko lang ay naaksidente ako kaya ako nandito. Pero maliban dun ay wala na akong maalala.

Nabigla pa ako nang hawakan nya ang makabilang pisngi ko at pinaharap sa kanya.

At sa madramang boses...

"Jimin-ah! Hindi mo ba ako natatandaan?!" ang maluha luha na nyang sigaw. "Ako si Taehyung! Hindi mo ako pwedeng kalimutan Jimin-ah! Ako ang bestfriend mo! Tandaan mo ang gwapong mukhang ito, okay?! Taehyung~T-A-E-H-Y-U-N-G, repeat after me!Tae....hyunggg"

One Last Step [Jimin/ChesMin]Where stories live. Discover now