11th

190 16 10
                                    

One Last Step
11th Step

One Last Step11th Step

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







Jimin's POV

I remember the first time I felt my heart beating...

"Ang pangit mo"

Yan ang unang lumabas sa bibig ng babaing nabangga ko sa loob ng campus noong umagang iyon.

Nag-aaral palang ako ng college noong mga panahong iyon at isa ito sa mga araw kung saan may oras akong pumasok ng school.

Pero hindi lang ako makapaniwala na yun ang lalabas sa bibig nya.

"W-what?"

Nasanay lang siguro ako na puro papuri ang natatanggap ko sa lahat ng tao kaya hindi ko inaasahan ang pagtrato nyang ito sa akin.

My name is Park Jimin.

And I' am a superstar.

Kaya hindi lang ako makapaniwala na si Park Jimin na kinababaliwan ng halos lahat ng babae sa buong mundo ay tatratuhin ng ganito ng isang babae na kakakita nya lang.

"Ang pangit mo" she repeated.

And I don't know what made me fall in love with her on that day.

Maybe because she unhesitantly said something that no other people has ever said to me.

Ah.

My heart is beating so fast.

Naalala ko kung paano ko sya sinuyo at hinabol pagkatapos ng unang pagkikita namin.

Hanggang sa isang araw ay pumayag na nga syang mahalin ko sya.

"Ilibre mo ako ng dinner mamaya. Wala akong pera" ang naalala kong sinabi nya sa akin nung araw na yun.

Hindi man nya inamin sa akin kaagad ang totoong nararamdaman nya ay alam kong mahal nya ako.

At ang paniniwala na yun ang naging dahilan para ipagpatuloy ang pagmamahal ko sa kanya.

Pero sa nakikita ko ay mukhang kailangan ko na atang sumuko.

Kailangan ko ng umalis.

Sa dalawang taon na naging kami ay nabuhay lang ako sa isang magandang panaginip kung saan pinaniwala ko ang sarili ko na mahal nya din ako. Pero ngayon ay kailangan ko ng magising.

Cheska ko, mianhe. But I think I need to give up now.



*****************


Bigla akong napabalingkwas ng bangon at napasagap ng hangin mula sa kinahihigaan ko. Napaubo pa ako dahil pakiramdam ko ay matagal na oras akong hindi nakahinga ng maayos.

Ubo lang ako ng ubo sa kinauupuan ko nang mapansin kong nasa isang kakaibang lugar ako.

Eh? Nasaan ako?

One Last Step [Jimin/ChesMin]Where stories live. Discover now