The Last Step

190 20 28
                                    

One Last Step
The Last Step


"Yah Jimin, umiiyak ka ba?" ang natatawang lingon sa akin ni Jin hyung mula sa tabi ko

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.



"Yah Jimin, umiiyak ka ba?" ang natatawang lingon sa akin ni Jin hyung mula sa tabi ko.

Nilingon ko naman siya at naaasar na sumigaw.

"Aish, hyung! Hayaan mo na nga akong umiyak dito!"

"Bakit ka ba kasi umiiyak ha?" Ang lingon naman sa akin ni Suga hyung.

"Isa ka pa hyung! Naging masaya ka ba sa panloloko mo sa akin?!" ang sigaw ko sa kanya.

"Mianhe, ginawa ko lang iyon dahil alam kong iyon lang ang paraan na magkaayos kayong dalawa." ang inaantok niyang sambit. "Pero teka lang, bakit ba hindi pa nagsisimula ang party na ito ha? Inaantok na ako."

Tama, katatapos lang ng engagement party namin ng Cheska ko at ngayon ay nasa isang private restaurant kami para i-celebrate ito.

Isang simple at sikretong party ang idinaos namin at ang tanging naging imbitado lang ay ang mga malalapit na kaibigan at kapamilya. Pumayag na ang Cheska ko na magpakasal kami kaya naman hindi ko na pinatagal pa ang engagement party namin. Hindi lang ako makapaghintay na maging official na mag-fiancè na nga kaming dalawa.

Alam kong masyadong naging maaga ito pero masisisi n'yo ba ako? Wala na akong ibang hiniling pa kundi ang mapasaakin ng tuluyan ang babaing mahal ko. Kaya kahit na naging sikreto ito sa masa ay ang saya ko parin. Napag-usapan din naming dalawa na magpapakasal lang kami after niyang gumraduate ng medicine. At dahil ayaw ko na siyang mawala pa at para matalian ko narin siya ay ipinilit ko na ang engagement party na ito.

At simula ata nang magsimula ang party ay hindi na ako tumigil sa pag-iyak. Sobrang saya ko lang kasi. Sa dalawang taon na nagtiis ako ay pakiramdam ko ay ito ang naging gantimpala sa akin. Sobrang saya ko lang nang dahil sa wakas ay matutupad na ang matagal ko ng pangarap na makasama ng habang buhay ang babaing mahal ko. At ang pinakamasaya dito ay pumayag na ang Cheska ko.

"Pero teka lang," ang biglang lingon ko sa anim na lalaking katabi kong nakaupo sa isang table. "Paano n'yo nalaman na nagpapanggap lang ako na may amnesia ha?"

"Hyung," ang sagot naman sa akin ni Jungkook mula sa harapan ko. "Hindi ka pwedeng mag-artista. Halatang-halata na wala kang amnesia."

"You're simply bad at acting, Jimin-ssi." Si Rapmon hyung na nasa tabi naman ni Jungkook.

"May mga times na nadudulas ka at nababanggit mo ang pangalan ni Cheska," ang natatawa namang sagot ni Jhope hyung. "Aish, Jimin-ah dapat kumuha ka muna ng acting workshop bago ka magpanggap ulit na may amnesia."

Napakurap naman ako.

"Oh? Talaga?" ang takang sambit ko. "May mga times bang nababanggit ko ang pangalan ng Cheska ko?"

"Yah! Paano mo nagawa sa akin 'to Jimin-ah?!" ang maarte at kunwaring umiiyak na lingon naman sa akin ni Taehyung mula sa tabi ni Rapmon hyung. "Paano mo nagawa sa bestfriend mo ito ha?! Bakit ako lang ang hindi nakakaalam na nagpapanggap ka lang na may amnesia?!"

One Last Step [Jimin/ChesMin]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt